Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
IPINAGMAMALAKI at hindi ikinahihiya ni Andi Eigenmann na i-post ang kanyang hitsura at porma ng katawan noong buntis pa sa social media.
Filter-free at make-up free ang larawan dahil gusto niyang makita ng mga followers sa social media ang pagiging natural at authentic ng pagka-babae.
“My only solo pic`s as of late. Taken at 2 weeks postpartum. Still looked exactly like I did I day pp and still do up until today at 1 month pp,” caption ni Andi.
Ito raw ang paraan niya para ma-inspire ang mga katulad niyang mom na huwag mag-alala at ma-pressure na pumayat agad pagkatapos manganak.
I-embrace raw muna nila ang kanilang post baby body. Huwag magmadaling muling bumalik ang kaseksihan.
“As I`ve mentioned in every other pic, I`ve posted of the kids, I`ve been enjoying every moment of my time with them, because it recently sink into me how fast our children grow.
“While that is very true, I also may have been spending all my time with them to avoid facing the fact that I haven`t been feeling like myself lately.”
***
ASAN na raw si Alden Richards dahil marami na ang naghahanap sa Asia`s Multimedia Star dahil dalawang linggo na itong hindi napapanood sa Eat Bulaga. Athough napanood pa siya sa Last Sunday sa All-Out Sunday pero taped na raw ang nasabing episode.
Kaya pala ay nagsimula na siyang mag-workshop kay Nonie Buencamino bilang paghahanda sa role na gagampanan sa first team up nilang movie ni Bea Alonzo na A Moment To Remember na joint venture ng GMA Pictures at Viva Films. At last February 26 lang nila nakaharap for the first time ang kanilang director na si Nuel Naval.
Naisisingit na lang ni Alden in between workshop ang pagti-tape ng reality singing competition niyang programa na Centerstage. At every Sunday ay makikita na ng viewers ang paggamit nila ng virtual technology na hindi na kailangan lumabas pa ng bahay ang mga batang contestant dahil pupuntahan na sila sa kani-kanilang bahay ng production staff ng GMA Network.
Samantalang hanggang ngayon hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga diehard fan nina Alden at Maine Mendoza na muling magkabalikan ang dalawa at kahit impossible na mangyari ay ang dalawa pa rin daw ang magkakatuluyan sa bandang huli.