Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS umamin nina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa estado ng kanilang relasyon, hindi na tinantanan ng batikos ang dalawa.
Marami ring netizens ang nagdududa sa sinabi ng hunk actor na ang Cebuana beauty na ang itinuturing niyang “the one.”
May mga nagsasabi pa ngang naggagamitan lang daw ang dalawa lalo pa’t nasa track record nila na hindi nagtatagal sa isang relasyon.
May ilan ding mga katkatera at pakialamera na tinataningan na ang kanilang relasyon.
Good for 5 or 6 months lang daw ito dahil wala namang ligawan o matibay na pundasyon sa simula pa lang ng kanilang relationship.
Sa kaso ni Derek, hindi naman nag-atubili ang actor na sagutin ang pamba-bash ng ilang detractors sa kanyang naging pahayag sa panayam sa Mega Magazine.
Isang basher ang naghamon sa kanyang pakasalan si Ellen nang sabihin nitong ang aktres na ang kanyang “the one.”
Sagot naman ni Derek: “Soon.”
Hirit naman ng isang detractor: ‘She’s the one.’ Next year may iba na naman siyang tutukuyin na ‘the one’ pag nagsawa na naman siya ibang flavor ulet.”
Resbak naman ni Derek: “Paki.”
Isa pang bitchy netizen ang nagkomento na ginagawa lang niya ang lahat para pag-usapan dahil wala na itong career.
“Kahit paulit-ulit na statement, magkacareer lang ulit! Iba naman!,” sey ng basher.
“I actually want out!,” hirit naman ni Derek.
Takaw atensyon naman ang ginawang pagpo-post ni Derek ng kanyang cover shoot para sa Mega Magazine.
Nagkomento rito ang kanyang girlfriend na si Ellen ng: “Ang guwapo mo pala” kasunod ng hashtag na “#jawdrop” at tatlong emojis.
Matatandaang sa kanyang IG story, ibinalandra rin ng ex ni John Lloyd Cruz ang litrato ni Derek na may caption na “OMG! My boyfriend.”