Advertisers

Advertisers

Heart feel maging veterinarian kung wala sa showbiz

0 260

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MASAYA ang netizens nang makita sa larawan na magkakasama sina Senator Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto.

Pagkatapos kasi ng almost a year na hindi sila nagkikita dahil sa pandemic ay muling nagtagpo ang tatlo last February 27 nang dumalo sila sa 50th wedding anniversary  nina Tony Tuviera at maybahay nito.



Pinost ni Tito Sen ang larawan nila na may caption na, “Together again, after  over  a year!”

Ang caption naman ni Joey sa larawan, “ONE YEAR NO SEE, naka-face mask pa! Half face to half, after a  year but  HAPPY to see each  other!”

Inaalis lang ng tatlo ang suot na face mask nang magpakuha sila ng larawan na magkakasama. At ang kapuna-puna sa tatlo sa larawan ay ang kanilang mapuputing buhok.

Hindi na kailangang itago pa nina Tito,Vic at Joey ang tunay nilang edad kaya inilantad na nila ang kanilang mapuputing buhok na hindi na kailangan pang magpakulay.

Kasama ni Vic sa okasyon ang misis na si Pauleen Luna na nagsabi na mini-date raw nila ni Vic yung pagdalo sa wedding anniversary ng TAPE at APT Entertainment owner.



Wala talagang kupas ang tatlo pagdating sa pagbibigay ng saya at siyempre hindi pa rin nawawala ang pag-iintriga sa tatlo na kesyo masungit daw sa tunay na buhay.

***

VET ang sagot ni Heart Evangelista sa tanong kung hindi siya naging artista, ano siya ngayon?

Alam naman kasi ng karamihan na kilalang mahilig sa aso si Heart. May pangyayari pa na hinabol pa ng actress ang alagang aso na nakalabas ng kotse na muntik niyang ikadisgrasya.

Anyway, sa mga nagtatanong kung tuloy pa rin daw ba ang serye niyang kukunan sa Sorsogon?

Tuloy na ang serye at sa katunayan ay next month (April) na sila magsisimulang mag-taping sa Sorsogon.

Malaking tulong din ito sa turismo sa bansa dahil ipakikita sa serye ni Heart ang  magagandang lugar na makikita sa Sorsogon.

Sure na makakasama ni Heart sa serye si Richard Yap at pahulaan pa rin kung sino ang iba pa nilang makakasama.