Advertisers

Advertisers

Ex-Tserman, bulagta sa buy bust

0 265

Advertisers

Patay ang isang dating barangay captain nang manlaban sa buy-bust operation sa lungsod ng Davao nitong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Jorge Taho, 58.
Ayon sa ulat, nagkasa ng naturang operasyon ang mga otoridad laban kay Taho, sa isang inn sa Brgy. Lubogan sa Toril district sa halip na sumuko, sinubukan nitong barilin ang mga operatiba.
Dinala sa ospital si Taho matapos ang operasyon pero idineklarang dead on arrival.
Sa report, narekober ang nasa P35,000 ng halaga ng shabu, isang .45 caliber pistol na may mga bala.
Napag-alaman, na nakulong na si Taho noon dahil sa parehong kaso pero nakalaya nang tumanggap ng plea bargain.