Advertisers

Advertisers

Masahistang nagbebenta ng mga hubad na larawan ng mga dalagita timbog

0 302

Advertisers

NASAKOTE ng mga operatiba ng Bacoor City Police Station at ng 3rd SOU Maritime Group ang isang babaeng sangkot sa pagbebenta ng mga hubad na larawan ng mga menor de edad na babae sa social media sites sa Barangay Niog 1, Bacoor City, Cavite, Martes ng hapon.
Kinilala ang nadakip na si Vilma Maglasang, 48 anyos, massage therapist,ng Little Pasay St., Bgy Niog 1.
Sa report na nakarating kay Cavite Provincial Police Director, Colonel Marlon Santos, pinuntahan ng mga otoridad si Maglasang sa bahay nito at isinilbi ang arrest warrant mila sa korte para sa kasong ‘Syndicated Child Pornography’na may parusang reclusion temporal at piyansang isang milyong piso. (Jose Koi Laura)