Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
FANEY na faney si Arci Muñoz ng K-Pop group na BTS.
Katunayan, karamihan sa content ng Youtube vlog niya ay tungkol sa popular Korean superstars.
To prove ang kanyang pagka-faney, ipinasilip niya ang koleksyon ng BTS merchandise na pumuno sa kanyang kuwarto.
“Hindi ko namamalayan eh. Kasi parang sa ngayon, ito talaga ang nagbibigay ng happiness sa akin and I would love to share it to all of you,” aniya.
“Ito mga bagong dating na mga babies natin, but not-so-little babies. They’re so big. They’re so soft wala na akong mahihigaan sa kama ko. Ang tulog ko, nasa gitna ito nasa gilid. Tapos gusto ko kayakap silang lahat,”dugtong niya.
Sa sobrang pagiging fanatic ng grupo, aminado siyang nabudol ng mga ito.
“Ang galing talaga mambudol ng BTS. Nabudol ako ng matindi.”
Sa kanyang vlog, ibinahagi niya ang mga mamahaling items na binili niya tulad ng mobile phone, pluh pillows at vitamins na ini-endorso ng grupo.
Hirit pa niya, sa lahat daw ng mga ito, ang pinaka-paborito niya ay ang limited edition fashion doll ng Jimim.
“The greatest budol of them all, isa po ‘to sa mga na-ultimate budol ako — ay ang limited edition na danjang hanbok x mattel BTS doll. This is limited edition. And since it’s a bit pricey, si Jimin lang ang na-grab ko. Kasi super limited edition na 1,000 toys lang all over the globe.
“I was so tempted to get all of them, but it’s gonna be so expensive. Pero naghahanap pa rin ako. Hinahanap ko ‘yung anim pa ngayon na alam ko na hindi pala sapat ang isa. Basta sa happiness naman talaga gagawin natin sige kahit mabudol-budol tayo ng ilang beses,” bulalas niya.
***
Ina Alegre balik-showbiz
Sobrang na-miss ng dating aktres at ngayon ay Pola Oriental Mindoro Mayor na si Ina Alegre ang showbiz.
Aniya, may batubalani raw ang showbiz na hindi niya matanggihan.
Gayunpaman, kahit daw muli siyang aarte, may blessings naman ito ng kanyang constituents.
Dagdag pa niya, malaki raw ang utang na loob niya sa showbiz kaya hindi ito basta matatalikuran.
May mahalagang papel si Ina sa pelikulang Abe Nida na ididirek ni Louie Ignacio mula sa iskrip ni Ralston Jover.
This early, excited na siya dahil makakatrabaho niya ang multi-awarded at internationally acclaimed actor na si Allen Dizon.
Dati ring movie producer si Ina at open siya sa muling pagproprodyus o joint movie venture sa BG Films ni Ms.Baby Go.
Huling napanood si Ina sa pelikulang Men in Uniform.