Advertisers

Advertisers

Yassi nagpaparamdam pa rin sa cast ng ‘AP’

0 245

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NA-miss  bigla ni Yassi Pressman ang mga kasamahan nito sa Ang Probinsiyano. Pamilya na kasi ang turingan nila sa nasabing serye.

Nagteteksan pa raw sila ng itinuring na ni Yassi o Alyanna na pamilya sa AP.



Tinigbak na ang karakter ni Yassi dahil kailangan ng panibagong twist ng kuwento.

Nagpasalamat naman ito sa mga sumubaybay sa AP na sa halos limang taon ay dama ni Yassi ang suporta ng netizens.

Kaya nagpasalamat ito nang bonggang- bongga sa lahat ng mga sumubaybay.

Kahit nga may negosyo na tinututukan si Yassi ay miss nga raw talaga niya ang lahat ng kasamahan sa serye.

***



HINDI pinalagpas ng bashers ang couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto na  ultimong ang pagbati ng aktor sa aktres ay ‘di napalampas.

Si Julia raw nang batiin ang dyowa na si Gerald ay andaming palabok at punumpuno ng mensahe ng pagmamahal.

Bakit daw ang bati ni Gerald sa gf ay tila walang lambing at walang init.

Para lang daw ang pagbati ni Gerald ay pag-greet lang na mula sa tatay o tito.

Kaya naman maloka-loka ang kampo ni Gerald na ultimo ba naman daw ba pagbati ay na-bash pa.

Sundot ng basher eh true naman daw na walang kalatuy-latoy ang pagbati nito ng ‘Happy Birthday’ kay Julia.

Ewan lang natin kung dedmahin o patulan ni Gerald ang parunggit ng basher.

Well, well, well…’Yun na!