Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAG-viral ang latest photo at video ng kontrobersyal na magdyowa na sina Gerald Anderson at Julia Barretto na nagtukaan ang mga ito.
Ito’y nangyari sa 32nd birthday ng aktor na ginanap sa kanyang private beach resort sa Zambales.
Nandoon ang pamilya ni Julia kabilang ang kanyang ina na si Marjorie.
Pagtapos ng birthday message ni Julia, inudyukan ng mga bisita na mag-kiss ang dalawa. a pagtutukaan nina Gerald at Julia, indi ito nakalampas sa mga netizen.
Ayon sa isang netizen, masyadong stiff si Gerald. Sambit naman ng isa, parang matamlay si Gerald at si Julia pa ang nakayapos.
Sa tingin ng isang nagkomento, nandoon kasi ang pamilya ng aktres kaya awkward kung yayakap pa si Gerald.
Pakli naman ng isang netizen, baka hindi lang komportable sa PDA si Gerald. Nakatutuwa ang mga netizen sa kani-kanilang comments, ‘di ba?
Pero ang mahalaga, at least umamin na sina Gerald at Julia na talagang may relasyon sila. Hindi na nila ito itinatago pa, at happy naman sila sa isa’t isa.
***
KUMAKALAT ang balita na makababalik umano sina Kitkat at Janno Gibbs sa ‘Happy Time’ ng Net 25 kung magkakabati sila.
Nagbigay umano ng mensahe ang kampo ni Janno, na willing makipag-reconcile kay Kitkat ngunit walang sagot ito.
Ang nakarating na balita sa amin, ayaw kasing makipag-ayos ni Kitkat kay Janno. Ibig sabihin, kahit mawalan ng show, okey lang sa komedyana.
Ayaw niya sigurong makipagplastikan kay Janno. Na makikipabati siya rito na hindi naman bukal sa kanyang kalooban. At least, nagpapakatotoo lang si Kitkat,’di ba?