Advertisers

Advertisers

Kris nagpapahanap ng bahay sa Bulacan kay Sen. Villanueva

0 613

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

BASE sa latest Instagram post ni Kylie Padilla, nasa ospital ang panganay nilang anak ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin.

Ipinost pa ni Kylie ang larawan ni Alas na naka-hospital gown na nakangiti pa ang cute nilang panganay.



Sa caption ay pinuri ang katapangan ng anak at mapapansin ang statement ni Kylie kung gaano kahalaga ang pamilya.

“So unbelievably proud of  this boy. He is strong, he is resilient and he  has such a wonderful sense of  humour. Even though the scariest time of his life he proved  to be even stronger  than even  mama and papa.

“P.S  he  was  bit  by a  dog,” caption ni Kylie.

Nag-post din si Kylie sa kanyang Instagram ng  short clip ng mag-amang Aljur at Alas habang naglalaro at naghaharutan, bilang patunay na okey at buo na uli ang kanilang pamilya.

***



HUMINGI ng tulong si Kris Aquino kay Senator Joel Villanueva  para makahanap ng malilipatang bahay.

Tinatanong ni Kris si Senator sa Instagram na, “may okey bang  fish  ponds  or lake sa Bulacan?”

Sagot naman ng Senador, “Fish  ponds in  bulacan bulacan area madami  or  in  hagonoy po. If  you`re  looking  for  running river  we have it  in  bustos, angat  san Rafael, et al.”

Tila desidido na talaga si Kris na iwanan na ang kanyang bahay sa Greenmeadows na ang dahilan ay para layasan ang mga negative na pangyayari  na nakakaapekto sa kanyang kalusugan.

Kinukonsider din ni Kris na manirahan sa Tarlac kasama ang anak na si Josh. Nahihiya na raw siya sa kapatid na si former President Noynoy Aquino kung saan nakatira ngayon si  Josh.