Advertisers

Advertisers

Lovi emosyunal sa pag-record ng kanta ng Eraserheads

0 282

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SIMULA ngayong March 10, mapakikinggan na sa iba’t ibang digital streaming platforms ang “With a Smile” cover ng Owe My Love lead actress na si Lovi Poe.

Sa interview niya with GMANetwork.com, ibinahagi ni Lovi na isa ang “With a Smile” sa mga paboritong awitin niya ng iconic rock band na Eraserheads.



“Isa ‘yan sa mga paborito kong songs ng Eraserheads. So the fact na nabigyan ako ng pagkakataon to have my own version of it, talagang sobrang nagpapasalamat ako,” aniya.

Para kay Lovi, akmang-akma ang awiting ito sa pinagdaraanan ng mga Pilipino na nakangiting hinaharap ang pandemya at sakuna.

“When I was recording, it just felt so perfect for Owe My Love at sa sitwasyon na pinagdadaanan natin ngayon. So hindi mo maiiwasan na may konting kirot na mararamdaman habang nagre-record ka ng ‘With A Smile.’ I think it’s just a great reminder for everyone na kahit we’re going through a tough situation now at things have been very challenging for us, lahat naman tayo, puwede nating idaan sa ngiti, and then, there’s always a solution for everything.”

Samantala, maraming dapat abangan ngayong linggo sa Owe My Love kaya samahan sina Sensen (Lovi) at Doc Migs (Benjamin Alves) gabi-gabi, 9:35 p.m., sa GMA Telebabad.

***



SA murang edad ay na-diagnose si Aila ng Polycystic Ovarian Syndrome at maaaring hindi raw siya magka-anak. Kaya noong nabuntis siya ng boyfriend niyang si Randy ay tinalikuran niya ang kanyang pangarap at pamilya para sa bubuuin niyang sariling tahanan.

Buo ang loob ni Aila na itaya ang lahat para sa kanila ni Randy dahil nakita niya kung gaano nito kamahal ang kanyang sariling ina. Ang hindi niya alintana, ito rin ang magiging dahilan kung bakit dadanasin niya ang isang mala-impyernong buhay.

Hindi tanggap si Aila ng ina at kapatid ni Randy. Kaya sa kabila ng kanyang pagbubuntis, nakaranas siya ng verbal, emotional at physical na pang-aabuso sa kamay ng dalawa.

Pero hanggang saan ang pagtitiis ni Aila? Sapat ba ang kanyang pagmamahal kay Randy para malagpasan ang lahat ng ito? Dapat niya bang ipaglaban na panatilihing buo ang kanyang pamilya kahit siya ay wasak na wasak na?

Ngayong Sabado, Marso 13, tunghayan natin sa Magpakailanman ang “THE ABUSED PREGNANT WIFE.” Itinatampok dito si Liezel Lopez bilang Aila kasama sina Rodjun Cruz, Glenda Garcia, Gilleth Sandico, Elle Ramirez at Lowell Conales.

Mula sa mahusay na direksyon ni Don Michael Perez, pananaliksik ni Angel Launo, at panulat ni Benson Logronio.

***

PATULOY ang GMA-7 sa pagbibigay ng mga programang naghahatid ng drama, kilig, at saya sa kanilang loyal viewers.

Patunay na rito ang pinag-uusapan at talaga namang sinusubaybayang mga serye sa Afternoon Prime na Magkaagaw, Babawiin Ko Ang Lahat, Bilangin ang Bituin sa Langit, at primetime shows na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, Love of My Life, at Owe My Love.

Bukod pa riyan, pinaghahandaan na rin ng Kapuso Network ang ilan pa sa mga bagong programang tiyak na aabangan ng viewers.

Ilan sa mga ito ang GMA Inspire, Zoom-serye, Quarantitas, #Like4Like, The Fake Life, Ilaw, Frozen Love, Only Me and You, #Familygoals, Someone Like You, This Is Your Moment, at Sa Gillage.

Tumutok lang sa GMA para sa iba pang mga detalye sa lahat ng upcoming shows.