Advertisers
Marami na namang armchair experts ang naglabasan matapos ang sunud-sunod na pagkatalo ng Los Angeles Lakers sa NBA.
Matapos kasing ma-clinch ng Lakers ang No. 1 seed sa Western Conference ay puro talo na ang inabot ng koponan.
Unang naging isyu ay ang mababang kontribusyon sa scoring ni LeBron na sinundan pa nang napaulat na right groin injury nito.
May isang laro rin na eight points lang ang iniskor ni Anthony Davis kaya nagpiyesta ulit ang mga “eksperto” sa pagpuna sa kakayahan ng Lakers big man na tulungan si LeBron.
Without question, the Lakers are playing below-par recently. Pero alalahanin natin na bumaba ang level of play nila matapos ma-clinch ang No.1 seed.
In other words, they got the job done first bago sila mapagtatalo.
The Lakers are the betting favorite to win the championship before the restart of the regular season and they should still be the favorite before the playoffs.
Pinapasarap lang nila ang laban.
***
Speaking of pinapasarap, ganyan din ang nangyari sa Formula 1 after the surprise victory of Red Bull’s Max Verstappen sa 70th Anniversary Grand Prix na ginanap sa Silverstone.
Marami ang nag-aakala na magpapatuloy ang dominasyon ni Lewis Hamilton at ng Mercedes sa nasabing track pero ginulat sila ni Verstappen na P4 lang sa start ng karera.
For the second straight race ay nagkaproblema sa gulong ang Mercedes and apparently ay nagiging problema sa kanila kapag mainit ang panahon.
Sa daraing na weekend ay gaganapin ang Spanish Grand Prix at ang early forecast doon ay mainit ang panahon during the race.
If Verstappen wins again in Spain, lalong sasarap ang laban sa F1.