Dahil sa naiwang panty sa bahay… Erich at Derek nabuking ang naging relasyon; Pia naging alipin ng pag-ibig
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ISA itong blind item sa social media na pinangalanan at nabuking daw ang nakaraan nina Erich Gonzales at Derek Ramsay.
Aware kaya si Ellen Adarna na naganap ito nung live-in partners pa raw sina Angelica Panganiban at Derek.
At dahil taunan ang pagkikita sa Star Magic Ball eh nagkikita-kita ang mga talent.
Namataan nga raw ni Angelica si Erich at agad nitong nilapitan ang kapwa alaga ng Star Magic.
Impormal naman kung ipagsisigawan ni Angelica dahil pormal ang okasyon kaya binulong na lang daw ito ng una kay Erich.
Simpleng paalala na may naiwan nga raw na panty si Erich sa bahay ni Derek.
Deadma raw at parang walang narinig si Erich at dahil nga sa naiwang undies eh bokelya tuloy na may nakaraan pala ang dalawa na ikinaloka ng netizens.
Now, alam na kung bakit tuluyan nang hiniwalayan si Derek ni Angelica.
Happy naman ang netizens dahil may kanya-kanya nang nagpapasaya sa kanilang puso ngayon.
***
HINDI ikinaila ni Pia Wurtzbach na minsan na itong nabaliw at nagpa-alipin sa ngalan ng pag-ibig.
‘Yes’ girl na maituturing si Pia noong madly in-love ito sa dating karelasyon.
Sunud-sunuran daw si Pia at kahit ang mga kaibigan ay never naka-hang out ng beauty queen dahil sa pakikialam ng dating karelasyon.
Hindi nga raw marunong pumalag si Pia noon na parang nahipnotismo na sunod lang sa gusto ng dating karelasyon.
At dahil sa kabaliwan na ‘yun eh nakalimutan na nito ang pamilya at career.
Pasalamat si Pia at natapos na ang panahon ng kanyang kabaliwan sa pag-ibig.
Well, well, well…’Yun na!