Advertisers

Advertisers

Sylvia natupad na ang dream role na maging taong grasa

0 277

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa main cast ng bagong teleserye ng Dreamscape na Huwag Kang Mangamba. Gumaganap siya bilang si Barang na isang taong grasa.

Sa tanong kay Ibyang sa virtual presscon ng nasabing teleserye kung ano ang pagkakaiba ng role niya sa HKM sa mga role na ginawa niya rati, ang sabi niya, “Ang pagkakaiba nito, wala siya sa totoong mundo. Meron siyang sariling mundo. Wala siya sa reyalidad.”



Natutuwa si Ibyang na nabigyan siya ng role  bilang taong grasa. Isa kasi ito sa mga dream role niya.

“First time kong ganito (taong grasa). Tapos sa isang teleserye pa na kailangan mag-concentrate ka run sa role na yun. Dahil kapag nilaro mo lang ito, I mean, kapag pumunta ako roon (sa set) na hindi ko pinaghandaan at hindi yakapin ng buong-buong yung role ko, e, tatagilid ka. Kailangan focus dito,” sabi pa ng aktres.

Isa na namang mapanghamong role ang napasakamay ni Ibyang. Naniniwala ako na magagampanan niya ‘yun nang buong ningning dahil isa siyang mahusay na aktres.

Ang Huwag Kang Mangamba ay mapapanood na simula sa Lunes ng 8:40 PM pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

***



KELVIN MIRANDA UMAALAGWA NA ANG CAREER

GOING places na talaga ang alaga ng kaibigan naming si Tyrone Escalante na si Kelvin Miranda.

Bukod sa nagkaroon na siya ng pinagbibidahang serye na The Lost Recipe mula sa GMA News TV,  tumanggap siya ng dalawang magkasunod ng award. Noong January, tinanggap ni Kelvin ang Best Young Actor sa 7th Urduja Heritage Film Awards para sa pelikulang Dead Kids.

At kamakailan lang ay hinirang siya bilang Philippines Fast Emerging Actor of the Millennium sa 4th Asia Pacific Luminare Awards.