Advertisers

Advertisers

Cassy pinipigilang magdyowa ni Mommy Carmina

0 229

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAGSIMULA sa birong tila nagtagpo na raw ng landas si Megastar Sharon Cuneta at ang bagong ampon na asong pagala-gala na tinawag niyang Megastar Pawi.

Habang nasa location shooting si Ate Shawie ng kanyang bagong movie together with Marco Gumabao ay may lumapit sa kanyang isang asong tila may sakit at walang nagmamay-ari, as in asong kalye.



Imbes na matakot ay awa ang naramdaman ni Ate Shawie sa asong lumapit sa kanyang paanan at nang tapik-tapikin niya ang ulo ay tila mas lalong naging maamo ang naturang aso.

Sa kanyang social media account ay nanawagan si Mega sa may ginintuang puso para tulungan si Pawi na magamot ang mga sugat at karamdaman nito. Tinugunan naman ito ng The Homeless Dog Shelter sa Subic at kasalukuyang ginagamot ang aso bago ito ipaampon.

Nang tuluyan na ngang gumaling si Pawi ay mismong si Sharon na rin ang nag-ampon nito.

“You’ll be home soon, Pawi boy! Hang in there! The good doctors will take good care of you. And then you’ll see just how much Mama will love you!

“You are safe now, baby boy. Mama’s here now and I will love you. I will make the rest of your years happy and you will never have to search or beg for food again or a place to sleep where you would feel safe. Never have to panic to seek shelter from the rain and other elements. You will become a prince and be loved like you’ve never been loved before!” saad ni Sharon.



***

AT the age of 20 ay hindi pa naranasan ni Cassy Legaspi, isa sa kambal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, ang magkaroon ng boypren from showbiz.

Ngayon ay naili-link ang pangalan ng dalaga sa dalawang young heartthrob na sina Darren Espanto at ang kanyang kalabtim na si JD Domagoso sa first teleseye niyang “First Yaya” na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Say ni Cassy,  kahit na nasa sapat na gulang na rin naman siya para makipagrelasyon ay sinusunod muna niya ang payo ng kanyang ina na ‘wag magmadali sa pagkakaroon ng karelasyon, as in take her time at wag masyadong ma-fall. Sa ngayon daw ay mas mabuting itutok muna ang oras sa sarili.

“Sabi ni mother, protect your heart muna. Huwag masyadong ma-fall. Take your time. It will come. As of now, focus on yourself muna. And I agree with her. My acting career has just started, so dito muna ang focus ko. Okay lang yung link-link with boys, basta huwag seseryosohin. You should know your priorities,” wika ni Cassy.

Ano naman kaya ang say ni Cassy na kaya lang daw siya nakikilala dahil sa nakadikit ang kanyang pangalan sa mga magulang na kapwa sikat na artista?

“Kami ng brother ko na si Mavy, tanggap na namin yan. Hindi na mawawala yan. Sanay na kami roon. I don’t hate it, totoo namang anak kami nina Carmina at Zoren, so okay lang. But siyempre, eventually we both want to have our own identity and make a name for ourselves,” dagdag pa ni Cassy.