Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
KAHIT may pandemya ay hindi nawawalan ng proyekto si Marion Aunor. Well, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko for Marion eh, super talented naman kasi ang singer-actress na ang husay mag-compose ng kanta.
Kung wala lang pandemic ay sunud-sunod sana ang gagawing proyekto ni Marion pero thankful pa rin ang dalaga ni Ma’am Maribel Aunor na kahit lumalala pa ang Covid-19 ay hindi siya nababakante dahil may mga project na ibinigay sa kanya ang VAA o Viva Artists Agency na nagha-handle ng kanyang showbiz career.
Infairness, isa si Marion sa paborito ng VAA na pakantahin ng themesong ng kanilang mga pelikula sa Viva Films na ang latest ay ito ngang comeback movie ni Sharon Cuneta na “Revirginized” na ka-join sa cast si Marion.
For multi-talented singer ay isang malaking achievement ang muling makatrabaho ang nag-iisang Megastar na kanyang nagawan ng kanta noong 2018 na may pamagat na “Lantern” na nakasama sa Mega Album ni Shawie.
‘Yun na nga puring-puri ni Marion ang pagiging humble at down-to-earth ni Sharon at ‘yung pagiging propesyonal nitong artista na wala raw arte sa mga eksenang ipinagagawa ng kanilang director na si Darryl Yap.
Lahat silang cast, production people, ultimong mga vendor na nagpupunta sa set nila sa Subic ay kinakausap lahat ni Mega. Ngayon pa lang ay excited na si Marion sa showing ng kanilang movie at join daw sila ng kanyang Mom Maribel at sister na si Ashley na manonood sa kanilang house.
By the way, maganda raw ‘yung feedback ng kanta at composed ni Marion na “Parang Kayo, Pero Hindi” na same title ng hugot series na pinagbibidahan nina Xian Lim, Kylie Versoza, at Marco Gumabao. May apat na artists pa ng Viva Records ang kasama sa soundtrack ng Parang Kayo, Pero Hindi na palabas pa rin sa VivaMax.
***
Pilot Episode Ng “JC Garcia Live” Sa ATC BEST TV 31 Pumalo Agad Ng Thousand Of Views
Pinatunayan ni JC Garcia sa kanyang detractors na marami siyang fans and supporters. Ang pruweba ay marami ang nanood ng pilot episode ng kanyang first solo TV show na “JC Garcia Live” sa ATC (Asian Television Content) BEST TV31 na umeere every Friday ng 9:00 PM sa Amerika at tuwing Sabado ng 1:00 PM dito sa Pinas.
Yes, first episode pa lang ng kanyang show ay humamig na ng 3, 324 views (counting) si JC kaya mas lalong inspired ang Fil-Am Recording Artist-Dancer na mas pagandahin pa ang kanyang programa.
Isa sa kaabang-abang sa JC Garcia Live ay ang opening number ni JC na sing and dance siya ng mga old disco hits. Sa second episode ng kanyang show ay naging special guest ni JC ang kaibigang kapwa singer na madalas makasama sa show na si Ms. Anette Velasco na pinsan ng aktor na si Gabby Concepcion.
At touched si JC at bumiyahe pa from Los Angeles ang friend niyang ito, para makarating sa kanyang show. Bongga ang jamming ng dalawa at ang saya ng chikahan nila sa ere.
Sa nasabi ring episode ay naglintaya si JC sa kanyang mga detractors na pilit siyang ibinabagsak pero knowing him na multi-talented at world-class ang talent ay hindi magtatagumpay ang mga taong ito na kilalang-kilala pala ni JC. Nabanggit din nito sa kanyang show na hindi talaga maiiwasan ang “palakasan system” lalo na sa showbiz.
Very homey ang beautiful studio ni JC, na sinet-up sa mismong bahay nito sa San Francisco, California.