Advertisers
INANUNSIYO ng lokal na pamahalaan ng Pasay na isinailalim nila sa Localized Community Quarantine (LCQ) ang 115 barangays dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19.
Ani Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, aabot sa 431 households ang apektado ng naturang LCQ.
Naitala ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Barangay 183 na may 62 kaso, sinundan ng Brgy. 179 at Brgy. 191 na may 12.
Ayon sa alkalde, nagsasagawa na ng malawakang swab testing at isolation ang city government sa mga nagpositibo sa virus.
Habang wala naman aniyang palya ang pamamahagi nila ng vitamins, prutas at gulay sa mga residenteng sakop ng localized lockdown.
Kooperasyon ang hiling ni Rubiano sa mga residenteng kaniyang nasasakupan lalo na at mahigpit na ipinapatupad ang “GCQ bubble” hanggang sa April 4.(Gaynor Bonilla)