Advertisers

Advertisers

Rhian ‘di nag-aalala na tumandang dalaga

0 342

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KAPUNA-puna na ngayon ang pagiging masigla na muli ng aura ni Rhian Ramos at tila nakapag-move on na sa sakit na dulot ng break-up sa ex boypren na foreigner.

Marami tuloy ang naniniwala na may bagong inspirasyon si Rhian kaya muling naging blooming.



Pero ayon kay Rhian, hindi bagong lovelife ang nagbibigay sa kanya ngayon ng inspirasyon kundi ang sunud-sunod na proyektong binibigay sa kanya ng Kapuso Network.

Does it mean hindi pa siya handang umibig ulit?

Diretsahang sinabi ni Rhian na hindi pa siya handang magmahal pero hindi naman daw niya isinasantabi na kung may magbibigay uli ng spark sa puso niya ay gora siya sa pakikipagrelasyon muli.

Dagdag pa ni Rhian na hindi niya nakikitang magiging probema niya ang pagkakaroon ng panibagong boypren sa mga nalalapit pang mga taon. Eh paano naman kaya dahil sa nawala ang focus niya na umibig muli baka naman tumanda na siyang dalaga?

Ani Rhian, okey lang daw sa kanya na tumandang dalaga, hindi raw niya ito wino-worry. Siya naman daw ang magdadala ng mga bagay-bagay na magpapaligaya sa sarili.



***

KUNG ang ibang showbiz babies ay open ang kanilang showbiz parents na pasukin din ang showbiz, iba naman sa kaso ni Paul Salas na mayroon ding mga magulang na kapwa nasa showbiz.

Ang ama ni Paul ay si Jim Salas, isa sa dating member ng sikat na dance group na Universal Motion Dancers o UMD.

Ayon kay Paul, maliit palang siya ay naramdaman na niya ang pagkahilig na mag-artista. Pinilit pa niya ang mga magulang sa edad niya noon na 5, na isali siya sa Starstruck Kids ng GMA-7.

Pero hindi payag ang mga ito na mag-artista si Paul at sa kakukulit at nangakong ‘di papabayaan ang pag-aaral ay sinuportahan na rin si Paul ng ama’t ina. Ngayon nga ay nasa showbiz at nagbibida na rin sa mga teleserye si Paul.