Advertisers

Advertisers

Sa bibig nahuhuli ang isda

0 434

Advertisers

MAY kasabihan tayo na “sa bibig nahuhuli ang isda!”

“Since na-mention mo yung pangalan ni Cusi, isa lang masasabi ko, yung salita mo paninindigan mo…,” he said in a press conference. “Huwag mong kainin yung salita mo na sabi mo huwag munang pulitika, tulong muna sa tao.” (courtesy of Inquirer.net)

Ito ang mga katagang sinabi ni Senator Manny Pacquiao kay Energy Secretary Alfonso Cusi.



Nitong mga nakakaraang araw, sunod-sunod ang birada ng mga radio, dyaryo, telebisyon lalo na sa social media tungkol kay Senator Manny “Pacman” Pacquioa sa ambisyon nitong tumakbo sa panguluhan sa 2022 Presidential and Local Elections.

Si Senator Paquiao ang president ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya naman chairman ng partido.

Bukod pa rito ang kumalat na balitang sumapi umano si Pacman sa grupo ng Mason na lihis o kabaligtaran ng kanyang religious belief.

Kaya ang sabi ng iba, gagamitin umano ni Pacman ang grupo ng Mason sa kanyang ambisyon.

Nandyang “pangaralan” nya si Secreatry Cusi, vice chairman ng PDP-Laban na “huwag mong lasunin ang utak ng miyembro ng partido para magkahiwa-hiwalay,” sabi ni Pacman.



Pumutok ang pangalan ni Pacman pagdating sa isyung politika lalo na Soc-Med. Ilang blogger ang palagi kong napapanood sa Soc-Med at walang humpay ang banat kay Pacman.

Ang blogger na si Banat Bay ang nag-post ng telephone conversation nila ni Ka Freddie Aguilar at mismong kinumpirma ng composer/singer na nagpagawa sa kanya ng kanta (jingle) si Pacman noong pang March 29, 2020.

Pero nito yatang bandang huli medyo nag- mistulang basang-sisiw dahil ang buong akala niya’y siya na ang mamanukin ng kanilang partido sa 2022 presidential elections.

Napabalita rin lumustay na siya ng malaking halaga bilang paghahanda sa kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo sa susunod na taon.

Noon pa pala 2019 simulan ni Pacman na maglaan ng malaking halaga para sa paglalatag ng kanyang ‘political network’ sa buong bansa.

At syempre, hindi uusad ang sistema kung walang “ayusan” kaya naging maugong na may monthly retainer fee na hindi bababa sa P60,000 ang mga lider sa 17 regions, 81 provinces, 144 cities, 1,498 municipalities and more or less 42,000 barangay nationwide. Bukod pa raw dito ang allowances ng mga regional at provincial leaders.

Mayroon na ring buwanang gastos ang kanyang pinopondohang social media campaign ng mga grupong nagsusulong at sumusuporta sa kanya kandidatura.

Ang bali-balita, hindi raw bababa sa P800 milyon ang kanyang naipapamahagi mula sa kanyang bulsa. Kung sa boksing ininda ang mga suntok ng kalaban, hindi raw nito iniinda ang milyong halaga dahil sa laki ng kanyang kinita sa larangan ng sports kung saan siya unang nakilala.

Wow, ikaw na si Senator Manny Pacquiao.

Pero dahil nga parang naiba ang ihip ng hangin, itinigil muna ang pamamahagi niya ng ayudang pinansyal, stop din muna ang pagsagot sa napakaraming soliciting letters, pati na rin ang guesting sa mga media forum at television programs ay pansamantalang itinigil.

Sa “girian” nila ni Secretary Cusi, matapang na sinasabi ni Pacman na tigilan muna ang pamumulitika at unahin ang pagtulong sa mga kababayang Filipino sa gitna ng pandemiya.

Sabi sa inyo sa bibig nahuhuli ang isda, eh!

Ang sa akin, ‘wag sanang tignan ng mga kakandidato sa panguluhan na ang Pilipinas na isang nakatatawang bansa sa paningin ng international communities.

Hindi lang sa mabuti ang ginawa mo sa kapwa, ubra ka na. Hindi dapat ganun ang pananaw mo sa buhay.

Ang maging pangulo ng isang bansa ay isang mahirap na tungkulin. Hindi komo sikat ka e pwede ka na maging pangulo.
Maawa ka sa bansang Pilipinas!
***
ITO naman ang komento ng aking long-time friend na si Rolly Carandang, beteranong manunulat ng pahayagang Tempo tungkol sa insurgency sa ating bansa.

“Tulad ng paulit ulit na sinabi ko noon pa, di kayang pasukuin o matalo ang insurgency kahit dagdagan pa ng tig 10 battallion ng pulis at sundalo lalu na sa Quezon, Rizal at Bicol provinces. Hindi lang armas o pwersa ang kelangan. This is a guerilla war at di nyo kilala ang mga kalaban. Kahit gamitin nyo pa ang missiles at air force ay maliit lang epekto nyan. Ang susi para mawala ang insurgency kahit saan (ilagay nyo sa kukote nyo mga nasa gobyerno mo DU30) ay paunlarin ang bawat komunidad tulad ng nangyari sa Pampanga at Nueva Ecija na dating rebel infested provinces pero ngayon ay wala ng mga rebelde. Mr President, pls huag mong isipin na kaya mong malutas ang problema sa insurgency by just employing AFP and PNP forces. It will surely fail. It’s just a vicious cycle of violence ang mangyayari at dadanak pa ang dugo. Stop corruption and address poverty are the keys to solve it.”