Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HINDI nakaligtas sa pamba-bash ng netizens si Mark Anthony Fernandez matapos sabihin nito sa isang panayam na hindi niya isinasara ang posibilidad na pasukin ang pulitika.
Aniya, kung may kukumbinsi daw sa kanya, bet niya itong subukan.
Gayunpaman, gusto raw muna niyang magsimula sa pinakamababang posisyon.
Ang kanya kasing ina na si Alma Moreno ay naging konsehal ng Paranaque subalit nang tumakbo ito bilang mayor ay na-luz valdez ito.
Ang kanya namang stepfather noon na si Joey Marquez ay naging mayor ng Paranaque subalit natalo ito nang kumandidato sa mas mataas na puwesto.
Naintriga ang ilang kibitzers sa kanyang pahayag lalo na nang sabihin niyang bet din niyang maging presidente.
“Malay mo, maging kasingsikat ako ni Tito Ronnie (Fernando Poe, Jr.), makatsamba. Puwedeng mag-Presidente.”
Sey ng netizens, ilusyonado raw ang actor na mula sa pagiging bida ay relegated na ngayon sa supporting roles.
May mga nakapansin ding tila lutang ang actor sa kanyang huling panayam lalo na’t nang isisi niya ang hiwalayan nila sa kanyang dalawang asawa.
Hindi rin naman siya nag-elaborate kung bakit kasalanan ng kanyang mga ex kaya nauwi sa hiwalayan blues ang kanilang pagsasama.
Taong 2016 nang maaresto si Mark ng Angeles City police dahil umano sa illegal possession of marijuana sa kanyang kotse nang masabat siya sa checkpoint.
Kamakailan, muli siyang gumawa ng ingay pagkatapos na kuwestiyunin siya ng ilang sector kung bakit agad siyang nabakunahan gayong wala naman ito sa priority list.
Nilinaw naman ng lungsod ng Paranaque na nabakunahan ang aktor dahil kasama siya sa mga mamamayan na itinuturing na may comorbidities dahil may hypertension ito at dumaranas ng depresyon.