Nadine nagpasalamat kay Lord sa paglusot sa mga pagsubok; Janine kinabiliban sa pagdepensa sa naghihirap na Pinoy
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KAHIT si Janine Gutierrez ay nagsalita na hinggil sa kahirapan ng mga Pinoy.
Sa tweet nito ay isang taon na nga raw nagtitiis ang mga Pinoy at saan na tutungo ang mga buhay nila.
Tinutukoy nito ay ‘yung mga Pinoy na kung hindi kakayod ay walang mailalapag na pagkain sa hapag kainan.
Kumbaga, one year na paghihirap at pagtitiis na na wala pa rin daw nagagawa na solusyon.
Wala naman binanggit kung sino ang pinatutungkulan pero hula ng netizens ay ang pahayag ni PDuterte kamakailan.
May isang sumagot na netizen na hindi lang naman daw ang Pinas ang naghihirap at nagtitiis kungdi buong mundo.
Sumagot si Janine sa netizen na buti pa nga raw ito at nakakayanan ang pagtitiis at paghihirap ng bansa.
Marami ang sumang-ayon kay Janine na paano na nga naman ang mga isang kahig, isang tukang pamumuhay.
Kaya naman maraming humanga na netizens kay Janine.
Suwerte din si Janine dahil kahit may pandemya ay may mga project itong ginagawa matapos na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.
***
THANKFUL si Nadine Lustre dahil gravecious daw ang mga hamon ng buhay na kanyang pinagdaanan last year, 2020.
Bukod sa break-up sa bf na si James Reid eh nakasuhan pa siya ng Viva dahil sa paglabag sa kontrata.
Dagdag pa ang pag-atake ng anxiety nito ngayong lockdown.
Pero lahat ng ‘yun eh nalagpasan ni Nadine, as in lumaban ito nang bonggang-bongga sa hamon sa kanyang buhay.
Kaya naman laking pasasalamat ng aktres sa Itaas at nalagpasan niya ang lahat at mabuti na lang ay naging palaban ito.
Well, well, well…’Yun na!