Advertisers

Advertisers

Kyline may natutunan sa ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’

0 369

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NAGTAPOS na kahapon, Biyernes (March 26) ang GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit.

Isang taon mula nang unang umere ang serye, isa raw sa pinaka-importanteng aral na natutunan ng isa sa lead stars nito na si Kyline Alcantara ay ang kahalagahan ng pamilya.



Aniya, “That family is family. No matter how many hardships, struggles, ups and downs you have faced together or apart you’re still family. You will stand up for each and other and learn to forgive.”

Ibinahagi rin ni Kyline kung ano ang dapat abangan ng viewers sa pagtatapos ng kanilang series, “A lot. If magkakapatawaran ba ang mga Santos at Dela Cruz, may happy ending pa ba kina Maggie at Jun? At mabubuo nga ba ang pamilya na inaasam ni Maggie?”

Nagpaabot din ng pasasalamat si Kyline sa mga walang sawang sumuporta ng kanilang palabas mula umpisa hanggang huli, “Thank you so much sa lahat ng sumubaybay sa Bilangin ang Bituin sa Langit. Sa pakikisama sa amin ng isang buong taon at sinamahan kami sa aming kwento. Mula sa aming puso hanggang sa mga bituin sa langit maraming salamat po.”

***

Ang ‘Dalawang Mrs. Real’, magbabalik sa GMA Afternoon Prime



Mas magiging kapana-panabik ang panonood tuwing hapon sa pagbabalik ng teleseryeng ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ sa GMA Afternoon Prime!

Simula Lunes, muling matutunghayan ang kuwento ni Anthony Real (Dingdong Dantes) at ang dalawa niyang asawa na sina Millet Gonzales-Real (Maricel Soriano) at Shiela Salazar-Real (Lovi Poe).

Masasaksihan sa dramang ito kung paano ipaglalaban ng dalawang asawa ang karapatan nila sa buhay ng lalakeng pinili nilang mahalin.

Parte rin ng powerhouse cast ang mga beteranong aktor na sina Robert Arevalo, Celeste Legaspi, Tommy Abuel, Jaime Fabregas, Susan Africa, Alessandra de Rossi, at Ms. Coney Reyes.

Abangan ang rerun ng ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ sa GMA Afternoon Prime ngayong Lunes, Marso 29, pagtapos ng Babawiin Ko Ang Lahat, sa GMA-7.

***

NGAYONG Sabado, March 27, isang bagong episode ng Magpakailanman ang mapapanood tungkol sa kuwento ng tunay na buhay ni Betong Sumaya. Panoorin natin ang pambihirang nilakbay ni Betong sa buhay upang makamit ang tagumpay.

May pamagat na  Ultimate Survivor: The Amazing Story of Betong, tampok dito sina Buboy Villar as Betong, Epy Quizon as Tatay Bito, Candy Pangilinan as Nanay Virgie at Crystal Paras as Genesis.

Ito ay sa direksyon ni Conrado Peru, sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Georis Cielo Tuca.

Mula pagkabata ay pangarap na ni Betong ang maging isang sikat na matinee idol at leading man sa pelikula at telebisyon.

Kahit suportado siya ng kanyang pamilya, alam ni Betong na dahil hindi siya magandang lalaki kaya imposibleng maabot niya ang kanyang pangarap.

Bukod dito, iniisip niya na mahihirapan siyang magtagumpay sa buhay dahil mahirap lamang ang kanilang pamilya.

Bigo pa siya sa pag-ibig, hindi matanggap sa trabaho at may sakit pa ang kanyang ama.

Nguni’t sa kabila ng lahat ng hirap at balakid, nagtagumpay si Betong at naging isang sikat na host at komedyante sa telebisyon at pelikula.