Kylie at Aljur balik-sweet matapos muntik maghiwalay; Aga at Willie inalala ang pinagdaanang hirap nang mag-bonding
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAG-reminisce ang magkaibigang Willie Revillame at Aga Muhlach kasama ang wife ng huli na si Charlene Gonzales nang bisitahin nila ang private beach resort ng una sa Puerto Galera.
Sa kanyang Instagram post ipinasilip ni Aga ang pagpunta nila ni Charlene sa kaibigan. Matagal nang magkaibigan sina Willie at Aga.
“A good friend since the 80s! Puno ng hirap at saya ang mga pinagdaanan din natin. Happy for what you`ve become, Willie. Continue to do what you do best, tumulong at magpasaya ng tao. Nice seeing you again! God bless you my friend, Cheers! Your turn to visit us soon.”
Year 2018 nang mabalitang nabili ni Willie ang beach resort na ipinaayos niya at inihalintulad sa luxury resort ng Amanpulo in Palawan.
Matatandaan nag-stay ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby ng ilang araw sa beach resort ni Willie nang abutan ng lockdown dahil sa Covid-19 pandemic.
***
TILA tuluy-tuloy na ang magandang pagsasama muli ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla na kamakailan lang ay nabalitang nagkahiwalay.
Sa kanyang kaarawan last March 24 ay nagpasalamat si Aljur sa asawa`t mga anak at mga totoong kaibigan na laging nandiyan sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
“Unang-una salamat sa Panginoon sa tuloy tuloy na biyayang pinagkaloob niya sa 31 years ng eksistensiya ko. Pamilya na laging nandiyan upang alalayan ako. Sa mga kaibigan na nagtitiwala at nananatiling totoo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Sa aking asawa`t mga anak na nandiyan upang mas pagbutihan ko pa ang aking sarili. Salamat sa lahat ng nakaalala at bumati sa aking kaarawan. Wala na akong mahihiling pa sa kung ano man meron ako,” post ni Aljur.
Makikita sa in-upload na short video ni Aljur na kasama niya ang dalawang anak na nagbo-blow ng kanyang birthday cake. May larawan din sila ni Kylie na sweet na sweet at very happy.
Patunay lang nito na nalampasan na nila ang problema na kinaharap sa buhay mag-asawa.
***
First Yaya serye nina Sanya at Gabby tigil muna
Tigil muna ang lock-in taping ng top rating Primetime romantic-comedy series ng GMA na First Yaya na pinagsasamahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Sa Instagram account ni Sanya ay nagpainit ito sa suot na sexy bikini photos habang nagtatampisaw sila ni Kakai Bautistasa beach resort ni Gabby sa Batangas.
Ang sexy bikini photo na pinost niya sa social media ay pinusuan ng fans at netizens na umabot sa 210,577 ang likes at 865 comments dahil sa sobrang ganda at sexy ng kanyang katawan.
Dahil sa break muna ang lock-in taping nila ng First Yaya ay na-miss na agad nina Sanya at Kakai ang mga co-star na sina Maxine Medina, Cai Cortez, Glenda Garcia at Miss Pilar Pilapil.
Samantalang good news pa rin sa mga actor na nabighani sa ganda at kaseksihan ni Sanya, loveless pa rin ang actress hanggang ngayon.