Advertisers

Advertisers

Arabella feel na ang dyowang si Jimuel ang maging kalabtim

0 436

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NOON pa nagsi-circulate ang balitang ang Star Magic artist na si Arabella del Rosario ang ipinalit ni Jimwell Pacquiao sa ex nitong si Heaven Peralejo.

Katunayan, kumalat sa social media ang kakaibang sweetness ng dalawa.



Kamakailan lang, kinumpirma ni Arabella na totoong boyfriend na niya si Jimuel.

Katunayan, bago pa raw naging sila, sobra raw ang effort nito sa pagsuyo sa kanyang parents na na-appreciate naman niya.

Ayon pa sa Orabella product endorser, siya ang nag-encourage kay Jimuel na pumasok sa pag-aartista.

“Yes! Pero hindi po kami nag meet through Star Magic and he got to Star Magic without knowing each other yet. So lately na lang kami nagka-meet and nagka-usap,” aniya.

Sa pagkakaroon ng high profile boyfriend, ayaw namang padala ni Arabella sa pressure.



“Hindi naman po because he himself, he is very humble. He doesn’t think of it at all, para lang siyang normal na individual. Of course may nagpapa pic but we don’t mind naman po. It’s not really a big deal, it is not really hard,” dagdag ni Arabella.

Aminado rin siyang close siya sa Pacquiao family na itinuturing niyang napaka-down to earth.

“I’ve already met his other cousins na rin po and we bonded na rin po. Pinaka-close ko si Michael and sa girls si Queenie and of course si Israel po, the baby na napaka-cute,” sambit niya.

Since pareho na silang Star Magic artists ni Jimwell at pinasok ang pag-aartista, gusto raw nila na kung magkakaroon sila ng proyekto ay sila ang love team.

“Napag-usapan na po kasi namin iyon ni Jimuel…na kung magkakaroon po kami ng love team, kami lang po,” aniya.

Sa kasalukuyan, si  Arabella ay kumukuha ng veterinary medicine sa De la Salle-College of Saint Benilde.

Siya ay napanood na sa iWant movie na “Wild Litlle Love.”