Nang bantaan ng manager ng Thai actor… Kakai nag-deactivate ng Twitter, umiiwas sa asunto at bashers
Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
GUMAWA ng ingay ang banta kay Kakai Bautista ng management company ng Thai actor na si Mario Maurer sa umano’y panggagamit ng komedyana sa Asian heartthrob.
Ito ang nilalaman ng sulat ng management ng Thai actor.
“We have been informed of unauthorized use of Mario Maurer name by several events, and it has come to our attention that your talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is the person who continues to use the name of Mario Maurer to attach to herself without consent nor knowledge.”
Dahil dito, umani ng samu’t saring batikos ang komedyana na anila’y patuloy pa rin ang pagpapantasya sa actor.
Hirit naman ng ilang kibitzers, tigilan na raw ng aktres ang pagfe-feeling maganda at ilusyunada.
May mga nagtanggol naman kay Kakai dahil feeling nila, kakatwa ang pagiging OA ng kampo ng Thai actor sa letter nito sa comedienne.
Lately, nag-deactivate naman ng kanyang Twitter account ang aktres.
Ito ang inanunsyo niya sa kanyang Instagram account na may caption na “Avoiding Toxicity.”
Reaksyon ng ilang bitchy netizens, obvious daw na umiiwas sa asunto si Kakai.
Matatandaang naging magkaibigan sina Kakai at Mauro nang magkatrabaho sila noon sa pelikulang Suddenly, It’s Magic kasama si Erich Gonzales.
May mga pralala din noon si Kakai na continuous ang communication nila ni Mauro kahit tapos na ang pelikula.
Dati ring na-bash si Kakai ng ilang netizens dahil sa closeness nito kay Alden Richards nang gawin nila ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ng Kathden.