Advertisers

Advertisers

Gerald humamig ng 3.2M views sa socmed ang ‘bukol’

0 441

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

AS in, pinagpiyestahan ng mga netizen ang pa-bukol ni Gerald Anderson na bakat habang nakahubad.

Sa posted pics sa FB ng ABS-CBN ay nakita na naghubad si Gerald ng kanyang damit pang-itaas at pantalon.



Natira na nga lang sa kanyang paghuhubad ay ang suot nitong white boxer briefs.

At dun nga raw tumaas ang views nang makita ang bakat na bukol ni Gerald. Kaya naman nag-trending ito sa socmed.

Humataw ito sa views ng 3.2M samantalang bago pa lang itong post. Kung promotional nga raw ang pa-sight seeing sa bukol ni Gerald para sa sexy drama na Init Sa Magdamag eh maganda nga raw gimik ito.

Kahit daw si Yam Concepcion eh umamin na kakaiba ang mawa-watch nila sa bagong serye kumpara sa Halik.

***



KATHRYN WALANG GANAP SA 25TH B-DAY

DAHIL sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa ay walang naging selebrasyon para sa bertdey niya si Kathryn Bernardo.

Gustuhin man niya mag-selebreyt eh hindi naman ubra dahil sa health crisis na kinakaharap ng bansa.

Maraming bumati kay Kathryn na mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz nung mismong kaarawan nito last Friday.

Kaya pinasalamatan  naman niya ito nang bonggang-bongga. Wala mang celebration ay ‘di naman naging dahilan ito para malungkot ang aktres dahil nga sa pandemya.

Mahalaga pa rin sa dyowa ni Daniel Padilla na mapanatiling maganda ang kanyang kalusugan.

Well, well, well…’Yun na!