Advertisers
Patay ang 25-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng menor de edad na karelasyon sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Jayvin Perez.
Ayon sa Police Station 7, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at sa kasagsagan ng kanilang away, kumuha ng patalim ang salarin at sinaksak si Perez sa dibdib.
Agad dinala sa ospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang salarin at inihahanda na ang kaukulang kaso.