Advertisers

Advertisers

Alice natupad na ang wish magkaanak; Tom badtrip nang maunahan sa pag-upload ng proposal kay Carla

0 228

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

LAST year pa, October 2020 nang mag-propose si Tom Rodriguez  ng kasal sa fiance na si Carla Abellana.

Pero dahil sa kasagsagan ng pandemya at maraming nahirapan at naghihirap, isinantabi na lang muna ni Tom na ipaalam ito sa kanyang socmed.



At na-timing naman at sa pangalawang pagkakataon ay gusto na nga nila itong isapubliko.

Pinaghandaan pa ni Tom ang ring na ibinigay nito kay Carla na napapalibutan ng 12 eternity diamonds na simbulo ng kaarawan ni Carla.

Plano na sanang i-vlog ito ng aktor sa kanyang YouTube channel pero nadismaya si Tom dahil may somebody nga raw na naunang nag-upload ng nasabing special na okasyon nila ni Carla.

Kaya ang ginawa nitong vlog sa special day na ‘yun eh itatabi na lang daw ni Tom bilang remembrance.

This time eh handa na raw si Tom na baguhin na ang status ng kanyang buhay from a single man to form his own family.



Nasa right age na naman daw pareho sina Carla at Tom kaya carry belles na lumagay na sila sa pagpapamilya.

***

SA bawat dumarating nga raw na kaarawan ni Alice Dixson sa pag-blow niya ng candle taun-taon eh wish nito na mabigyan na sila ng anak ng kanyang partner.

Masayang ibinalita ni Alice na dininig na rin ang kanyang dasal na mabiyayaan na sila ng supling.

Kaya ganun na lang kasaya ang actress na proud mother na ngayon.

Gumamit daw sila ng surrogate mother from US kaya naman lumipad patungo roon ang couple.

May ilan ngang serye na hindi muna nagpa-show up si Alice dahil nga sa panganganak ng surrogate mother na last year pa lang ay nag-ready na ang partners para sa kanilang egg at sperm cells.

At tagumpay nga sila at isang ganap na ina na si Alice.

Sa sampung taon, ang wish at panalangin ng aktres eh nagbunga na at nagkaroon ng katuparan.

Sa pagdating umano ni Alice sa bansa eh siya ang magre-reveal kung ano nga ang gender ng kanyang anak.

Well, well, well…’Yun na!