Advertisers
NASAWI ang isang security guard nang makaladkad ng cargo truck ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Barangay Tibungco, Davao city, Lunes ng gabi.
Ayon sa ulat, nag-overtake ang motorsiklo sa truck na kasama niya sa iisang lane pero natumba ito.
Ayon sa truck driver, nag-full brake siya pero dahil sa lapit ng distansya ay nakaladkad niya ang driver ng motorsiklo,sanhi ng pagkamatay nito.
Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng cargo truck.