Advertisers

Advertisers

Edgar Allan Best Supporting Actor sa 4th EDDYS

0 454

Advertisers

Ni JOE CEZAR

WAGI ang Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman as Best Supporting Actor sa 4th Entertainment Editors’ Choice (EDDYS) Awards for Movies ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap nitong nakalipas na April 4.

Pinarangalan si EA para sa kanyang pagganap bilang si Neb sa pelikulang Coming Home.



Ibinahagi ni EA na hindi niya inaasahan ang pagkilalang ito. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.

“Oh, my God! Unexpected,” aniya sa kanyang speech. “Unang-una gusto kong magpasalamat kay Lord for the talent and the passion. ‘Yung every project na ibinibigay N’ya sa akin, andoon ‘yung passion at pagmamahal ko sa craft ko at hindi n’ya iniiwan bigla kundi binibigay N’ya. Thank you sa lahat ng bumubuo sa The EDDYs, sa SPEED, ito ang kauna-unahang award ko sa inyo and this means a lot to me.”

“Idini-dedicate ko po itong award ko sa aking family, kay Shaira [Diaz], sa lahat ng aking mga inspirasyon, sa mga sumusuporta, sa mga nagmamahal, sa GMA Network family, Artist Center, and ALV family, maraming salamat po,” dagdag pa ng Kapuso star.

Samantala, abangan si EA sa Heartful Café na malapit nang mapanood sa GTV at Agimat ng Agila sa GMA-7.

***



Rocco Nacino mapapanuod na sa ‘Owe My Love’

Inabangan ang karakter ni Rocco Nacino sa GMA primetime series na ‘Owe My Love.’ Gumaganap si Rocco as Dr. Kenneth Paul at napapanuod na siya sa serye nina Lovi Poe at Benjamin Alves simula noong Lunes, Abril 5.

Matapos madismaya sa naging pag-iwas ni Migs (Benjamin) sa pag level up ng kanilang relasyon, determinado pa rin si Sensen (Lovi) na tapusin ang kanyang kontrata bilang caregiver ni Lolo Badong (Leo Martinez) at panatilihin ang kanilang pagpapanggap na mag-asawa ni Migs.

Muling namang magtatagpo ang kanilang landas ng dating niyang orgmate sa college na si Doctor Kenneth (Rocco). Nagbabalik si Doc Kenneth sa Brgy. Petsa de Peligro bilang bagong full-fledged cardiothoracic surgeon sa Centimos Medical Hospital at magsisilbing Head of Medical Services dito.

Tanong tuloy ng viewers, may mamumuo bang love triangle sa kanila? Si Doc Kenneth ba ay kaibigan o kaaway?

Subaybayan ang lalong kapana-panabik na mga eksena sa ‘Owe My Love,’ gabi-gabi, 9:35 P.M. sa GMA Telebabad.

***

Viewers at fans ng ‘The Lost Recipe’ nabitin!

Hoping for Book Two ang viewers ng The Lost Recipe matapos ngang umere ang finale episode ng pinagbibidahang serye nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda nitong Miyerkules.

At kahit pa may special episodes na ipinalabas sa GTV during the Holy Week, wish talaga ng fans na maipagpatuloy ang kilig sa pagitan ng mga karakter nina Harvey (Kelvin) at Apple (Mikee).

Ang The Lost Recipe cast, sepanx na rin sa serye. Tulad daw ng viewers, mami-miss din nila ang kanilang karakter at ang bonding na nabuo sa pagitan ng bawat isa.

Pero ang viewers, ready na raw sa sequel ng The Lost Recipe na gabi-gabi nilang tinutukan mula nang umere ito nitong Enero. Ibang level naman kasi ang storytelling at pagkakagawa ng fantasy romance series na ito ng GMA Public Affairs—na talagang lumikha ng ika nga’y sarili nitong lugar sa telebisyon.

Refreshing at talagang hindi nakakasawang panuorin. Magagaling din ang mga artistang nakasama sa cast at dahil sa kanila, mas naging effective ang kuwento.

***

Cassy Legaspi pinabilib ang netizens sa pag-arte

Pinusuan ng netizens ang husay ni Cassy Legaspi sa kanyang pagganap bilang Nina Acosta sa top-rating Kapuso primetime series na First Yaya.

Hindi kasi mapapansin na unang sabak ito ng Kapuso actress sa pag-arte. Post nga ng netizen na si Sheee Yaaa, “Is this Cassy’s first TV series? Ang galing niyang umarte, gaya ng ina at ama niya.”

Agree naman dito ang isa pang netizen na si Ines Maglinte. Aniya, “Yes natural ang pag-arte ng anak ni Carmina. Ang galing umiyak, natural lang di pilit. Congrats Cassy.”

Komento naman ni @itsurtrish, “Watching replays of First Yaya. Jusko ka Cassy Legaspi, ba’t mo ‘ko pinayak!” Nadala rin ang netizen na si Belaaaaaaa sa emosyon ng karakter ni Cassy, “Grabe dalang dala ako sa acting ni Nina. Wala akong masabi. Nakaka-proud ka talaga @LegaspiCassy.”

Maliban sa kanyang husay sa drama, marami rin ang nakatutok sa nakakakilig na eksena ni Cassy at ng kanyang partner sa serye na si Joaquin Domagoso.

Napapanood ang First Yaya gabi-gabi sa GMA-7, GTV, at Heart of Asia.