Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ANG Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid ay opisyal nang bahagi ng Beautéderm family. Ipinahayag ng guwapitong actor na siya ay grateful at excited sa pangyayaring ito.
Pahayag niya, “Isang privilege at honor na maging bahagi ng Beautéderm family.”
Saad pa ni Ruru, “Grateful ako kay Ms. Rei Tan sa kanyang pagtitiwala sa akin na maging brand ambassador at ‘di na ako makapaghintay sa mga exciting na projects na gagawin namin.”
Binuksan ng Beautéderm Corporation ang summer season sa pamamagitan ng isang sizzling hot new addition sa pabolosang roster ng mga A-list celebrity brand ambassadors nito sa pormal na pag-welcome kay Ruru.
“Very welcome addition si Ruru sa Beautéderm family,” lahad ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.
Wika pa ng lady boss ng Beautéderm, “Isa si Ruru sa mga premiere leading men ng GMA-7 at isa siyang extremely gifted actor. Very strong at potent din ng kanyang online reach na perfect para sa Beautéderm. Nakamamangha ang kanyang professionalism, kindness, at napakasarap niyang katrabaho. Surely, this is the start of a wonderful partnership.”
Halos isang dekada na si Ruru sa industriya at nagbida siya sa ilan sa mga top-rating series ng GMA-7, ang pinakahuli ay ang The Gift. Sa ngayon, naghahanda si Ruru para sa lead role ng nalalapit na GMA-7 primetime series na Lolong – isang action-fantasy na itinuturing na pinakamalaking proyekto ng network to date.
Sa Lolong, magbibida si Ruru kasama sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Isa rin siya sa mga host ng All Out Sunday (AOS) at paboritong miyembro ng OG Group ng naturang Sunday afternoon variety show.
Ang mga personal na paboritong Beautéderm products ni Ruru ay ang grooming essentials ng Spruce & Dash collection na kinabibilangan ng Beau Charcoal Soap, Lad Hair Pomade, Hugh Shaving Cream, Charcoal Charmer Face Mask, at Brawn Anti-perspirant White Spray – na mga produktong bahagi ng daily regimen ng batang aktor.
“Perfect ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm sa aking very active lifestyle,” paliwanag pa ni Ruru.
“Lagi akong on-the-go at lagi akong busy sa trabaho so I have to make sure that I look and feel my best every time I face other people. Binibigyan ako ng Spruce & Dash collection ng extra boost of confidence na aking kailangan especially when I am having a long day. I start my day with a refreshing shower with Beau Charcoal Soap, a clean shave with Hugh Shaving Cream, sprits of Brawn for long-lasting freshness, and I cap-off my grooming by styling my hair with Lad. I reward myself with a hot bath at the end of the day with Beau and Charcoal Charmer to remove excess dirt from my face,” aniya pa.
Ang partnership ng Beautéderm at ni Ruru ay ang perfect combination ngayong summer at kahit na anong season – pareho silang fresh, hot, at utterly delightful.
Para sa mga balita at updates sa Beautéderm at kay Ruru, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.