Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAGHIWALAY ang dating magsyotang sina Lovi Poe at Rocco Nacino noong 2016 pati na rin ang ilang proyektong dapat na pagasamahan nilang dalawa ay kinansela na rin, tulad na lang ng epic movie na “Gabriela Silang”.
Pagkatapos halos ng limang taon ay muling magkakasama ang dalawa sa isang teleserye. Si Rocco lang naman ang special guest star ng hit na teleserye nina Lovi at Benjamin Alves, ang “Owe My Love” sa Kapuso Network. At ang papel ni Rocco ay third party sa relasyon nina Benjamin at Lovi. Ano kaya ang pakiramdam ngayon ni Rocco na muli silang magsasama sa isang serye ng dating gf?
“Easy!”
“We know already how we work. It was like continuing where went off,” ani Rocco.
Alam naman nilang dalawa ang status ng kanya-kanyang buhay, si Rocco ay kasal na sa misis niyang si Melissa Gohing samantalang si Lovi ay in relationship sa isang foreigner businessman na si Montgomery Blencowe.
Ano naman kaya ang say ng maybahay ni Rocco sa muling pagtatambal nito sa dating gf? Sey ni Rocco, very supportive raw ang kanyang asawa pagdating sa kanyang showbiz career at heto pa raw ang nanghikayat sa kanya na tanggapin ang offer nang alukin si Rocco na maging special guest sa serye ni Lovi.
“The fact that she doesnt have reservation with me working with an ex, it’s a big thing!,” saad pa rin ni Rocco.
***
MARAMING naaliw sa ginawa ni Maja Salvador sa kaibigan niyang si John Lloyd Cruz, dahil sa ginawan niya ito ng isang prank na tinawagan niya ang aktor at kinukuhang ninong kuno sa kasal nila ng boypren na si Rambo Nunez, isang civil wedding lang daw ito at wag daw mag-ingay si Lloydie sa ‘pagpapakasal’ niya sa boypren dahilan sa private raw ito at ayaw niyang kumalat sa publiko.
Game namang tumugon si Lloydie ng ‘oo’ at kahit kailan daw ito gawin ay maaasahan ni Maja ang kanyang presence sa kasalan kuno. Maraming netizens ang natuwa sa ginawang prank ni Maja kay Lloydie pero mas marami ang naaliw kay LLoydie at tila lumalabas sa prank video ni Maja ay ang dalaga ang na-prank ng actor.
Kitang-kita kasi ang kainosentehan ni Lloydie pagdating sa technology na para bang ang tanging gamit lang ng cellphone sa kanya ay pantawag at pantext. Kaya ang nangyari tuloy ay paliwanag to the max si Maja sa kanyang prank saka lang naliwanagan ni Lloydie ang pangyayari. Narito ang ilang komento sa vlog ni Maja ng mga netizen na aliw na aliw kay Lloydie at tila si Maja ang naging victim ng sariling prank.
“Si Lloydi tlga… Lloydi is so calm.”
“yung walang arte tlga and walang alam sa social media. so innocent with a prank”
“Pinanood kasi dahil kay JC, kalmado pala talaga siya
“JLC for the win! More power Maja..sana soon na! Stay safe.”
“Yung reaction ni JL hehehe halata talaga na di mahilig sa social media.”