Advertisers

Advertisers

Ivana deadma sa bantang kakasuhan sa paglabag sa safety protocols sa kalye

0 258

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING naaliw kay Ivana Alawi sa kanyang vlog na may pamagat na  “Prank on strangers on the street” na nagmukhang isang pulubing gustong makikain ang hitsura ng seksing vlogger.

At tulad ng inaasahan ay nagklik sa masa ang prank episode ni Ivana. Pero sa kabila nito ay may ilang netizens ang nadismaya sa ginawa ni Ivana, isa raw itong malinaw na paglabag sa safety protocols na kinakailangan during pandemic.



At hindi lang sa pagkadisgusto ng ilang netizens ang haharapin ni Ivana dahil may nagbabalak daw na sampahan siya ng kaso sa paglabag sa Safety Protocols.

“Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila ako. Haharapin ko ‘yun. Lalaban ako, ‘di ba?

“Para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intention ko was just to help out and to inspire people,” ani Ivana.

Sa pangyayayring ito hindi kaya sumagi sa isipan ni Ivana na sana ay hindi na lang siya gumawa ng prank sa kalsada bagkus sa tahanan na lang niya?

“Wala akong tinapakan na tao, wala akong sinaktan na tao. Masaya ako sa video and I would do it again.  Hayaan na lang natin. Na-realize ko sa buhay, parang no matter what you do, kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang hindi maganda, laging may masasabi sila,” dagdag ni Ivana.



Magkagayunpaman kahit pa naging kontrobersyal ang ginawang prank ni Ivana ay binalikan pa rin niya ang street vendor na nagbigay ng pagkain at pera sa kanya bilang isang pulubi at binigyan niya ito ng isang motor para gawing service sa tuwing magtitinda.

“Right after ko nilabas ‘yung vlog na street prank, nagkita kami after two days. Pina-swab ko siya, tapos nakapag-usap, nag-lunch, and I helped out in my own small ways,” say ni Ivana.

***

CASSY PINUPURI NG PARENTS NA SINA CARMINA AT ZOREN SA UNANG SERYE

FROM day one pa lang nang ipinalabas sa ere ang “First Yaya” nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez ay tinutukan na ito ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Eh kasi nga naman andun ang kanilang anak na babae na si Cassy Legaspi at ka-loveteam na si JD Domagoso. Kung noong una ay lungkot to the max pa ang mag-asawa dahil sa pagtanggap nila ng offer para sa anak at lock-in tapings pa ang mangyayari, ngayon ay proud na ang parents ni Cassy sa kanya.

Pulos papuri kasi ang tinatanggap ni Cassy sa kanyang first acting job at marami pang kinilig na televiewers sa kilig scene nila ni JD kasama na rito ang amang si Zoren.

“May chemistry sila in fairness eh. To think pareho silang newcomer, pero kapag pinapanood ko ‘yung mga school scene nila, in fairness napapa-smile ako,” pag-amin ni Zoren.

Ano naman kaya ang say ni Cassy sa mga magagandang komentong kanyang nababasa mula sa kanyang followers?

“Oh! Nakakakilig, nakakakilig po. Not only that, I’m always trending din sa Twitter which is so weird! It’s so cool na every weeknights nagte-trend and nakaka-overwhelm pero at the same time I’m super motivated to go back to work sana, hopefully soon,” sabi ni Cassy.

Pero higit sa mga papuri ay mas kinikilig si Cassy sa ginawang pagtanggap sa kanya ng mga magulang at pagpasa niya sa panlasa ng mga ito pagdating sa aktingan.

“They always congratulate me. ‘Oh galing!’  So ako naman parang ‘Wheew okay I got the approval of Ms. Carmina Villarroel and I got the approval of Mr. Zoren Legaspi. So okay na ako,” sey pa ni Cassy.