Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNDI nga raw mababago ang desisyon nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ay posibleng ikasal sila ngayong taon.
Bago pa man ang proposal ay nagpaalam at humingi pa nga ng basbas si Derek sa 17 years old na anak na si Austin.
Hindi naman ito tumutol bagkus suportado ng anak ang kaligayahan ng ama.
Kaya wala na nga raw problema at talagang sa huli ay sa simbahan na ang tungo ng couple na Ellen at Derek.
Pero teka, mukhang mas lalong bumilib si Derek dahil ayaw raw ng magarbo at bonggang kasal ni Ellen.
Gusto ng dating sexy star na ex ni John Lloyd Cruz eh simple lang ang maging kasalan.
At ang ikinaloka pa ng netizens ay ayaw daw magsuot ng trahe de boda or wedding gown ni Ellen.
Kaya napataas daw ang kilay ng netizens kung ano nga ba ang drama ni Ellen at may bago na naman itong kaek ekan.
***
KAHIT nga dobleng pag-iingat na ang ginagawa ni Rhian Ramos eh hindi pa rin ito nakakigtas sa killer virus.
At kahit ang Road Manager ni Rhian na si Rach eh tinamaan din ng Covid.
Nagsimula lang daw sa lagnat kaya nagtataka ang Kapuso actress na sa tindi ng kanyang pag- iingat eh tinablan pa rin siya ng Covid.
Kaya naman magkasamang nilabanan nina Rhian at kanyang RM ang virus.
Tamang diet at exercise ang pinagtuunan ng actress para tuluyang gumaling.
May time nga raw na okey ang kanyang pakiramdam pero may time na masama naman.
Kaya hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa actress kung paano siya nahawa at nagkaroon.
Wish naman ng kanyang followers ang kanyang agarang paggaling.
Well, well, well…’Yun na!