Advertisers

Advertisers

Iza at Jodi kapwa aral sa ‘Inay Maria School of Acting’

0 836

Advertisers

MATAPOS ang “The General’s Daughter,” balik- teleserye ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa “Ang Sa’yo Ay Akin” under JRB unit.

Nasimulan ang nasabing teleserye noong bago pa lumaganap ang Covid-19 pandemic sa bansa.

Kaya naman sa muling pagbabalik niya sa taping under MECQ, aminado ang multi-awarded actress na paminsan-minsan ay kinakabahan siya dahil sa coronavirus.



“May konting takot siyempre kasi ayoko magkaroon ng ganu’ng virus. Kaya lang, naiisip ko kasi na ang saya ko kapag nasa set kami,” aniya.

“Alam mo, kahit na tuluy-tuloy kami pag sinabing ‘Cut!’ at ‘Take!’ kami agad wala na yung chika. Wala kami masyadong ganu’n,” dugtong pa niya.

Dahil makuwentong tao, kung may nami-miss man daw siya sa “new normal”, ito ay ang mga tsika.

“Siyempre nakaka-miss yung dati di gaya yung may konting chika muna, yung ganu’n. Nakakapag-tape pa rin kami,” ani Maricel.

“Nakakapag-chika lang kami pag konting ganu’n tapos magri-reading na kami, blocking, then take na kaagad. Yung ganu’n,” pahabol niya.



Gayunpaman, may bentahe rin daw naman ito dahil napapabilis ang trabaho nila.

Sa bagong set-up, naka-lock in sa isang hotel sa loob ng ilang linggo ang buong cast at crew ng nasabing teleserye.

Dasal din ng Diamond Star na makabangon ang lahat, lalo na ang entertainment industry, sa krisis na hatid ng pandemya.

Sa teleseryeng “Ang Sa’yo ay Akin”, ginagampanan ni Maricel ang papel ni Lucing, ang ina ni Marissa (Jodi Sta. Maria), isang babaeng winasak ng poot at paghihiganti sa kanyang mortal na kaaway at dating matalik na kaibigang si Ellice (Iza Calzado)

Mapapanood na ang teleserye sa Kapamilya Online Live simula sa Agosto 17.

***

INAY Maria kung tawagin nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sa pakikipagtrabaho kay Maria, aminado ang dalawang lead stars ng “Ang Sa’yo ay Akin” na marami silang natutunan pagdating sa pag-arte sa beteranang aktres.

Hindi naman ikinaila na pareho silang nakinabang sa tinatawag nilang “Inay Maria school of acting.”

Hirit pa ng dalawang aktres, saludo rin sila sa propesyonalismo ni Maricel na kahit sa panahon ng pandemic ay hindi maawat pagdating sa trabaho. (Archie Liao)