Advertisers

Advertisers

Lovi at Sunshine lulundag na sa Kapamilya Network

0 518

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGPAPASALAMAT si  Jasmine Curtis-Smith  sa GMA 7 dahil sa kabila ng pandemic  na pinagdaraanan natin ay may bago siyang teleseryeng gagawin sa Kapuso Network, ang The World Between Us na muli  nilang pagsasamahan ni Alden Richards. Isa ito sa 100 new shows na nakatakda nilang gawin this year.        Ito ang ikatlong beses ng pagsasama nina Alden at Jasmine sa isang  project. Una sila nagkasama sa Imagine You & Me with Maine Mendoza, Sinundan  ng first episode ng drama anthology na I Can See You: Love On The Balcony  na ipinalabas sa Netflix Philippines at nagkaroon ng replay last Holy Thursday.

“I`m  happy  that  despite  the pandemic, I  continue to get assignment  and  be busy,” say ni Jasmine.



“Last  year, tinapos ko rin muna ang lock-in  taping namin ng Descendants of  the Sun. Hindi ko pa alam kung kailan magsisimula  ang  lock-in namin ni Alden, one of  the nicest  guys  in  showbiz and It`s always a joy to be working  with a fine  actor like  him.”

***

Derek  nakahandang tumira at samahan si Ellen sa Cebu

Handa raw si Derek Ramsay na tumira sa Cebu kung yun daw ang gusto ni Ellen Adarna. Sagot kasi ni Derek sa Q&A sa tanong sa kanya sa Instagram ng, “what  if  Ellen  wants  to  live in Cebu, will  you go with her?”

Alam ng karamihan na taga-Cebu si Ellen at kanyang pamilya kung saan nga siya lumaki .



“Of  course, I  like Cebu, I love Cebu. I  was going to live  in Cebu way  back. Yeah, I  thought to live in Cebu,” say ni Derek.

Tinanong din si Derek kung nagdalawang isip ba siya nang mag-propose kay Ellen.

“No, 44 yeears, I`ve  been  waiting for  this day, to find the right person, so when  she popped  up, I knew she was the one. I was 100% sure,” say ni Derek.

Nang matanong naman siya kung paano  niya mina-manage si Ellen kapag  wala ito sa mood.

“When Ellen is not in the mood, you  just  gotta give her own  space, let  her  breathe, let  her come back  to Ellen. I and then, we can talk,” sagot ni Derek.

***

TAPOS na ang taping ng Owe My Love  kaya may pagkakataon na uli si Lovi Poe  na magpunta sa Los Angeles, California para bisitahin ang boyfriend na si Monty Blencowe. Ipinost ni Lovi kung paano siya nag-empake ng mga damit, shoes, make-up atbp gamit  na inilagay sa kanyang luggage.

Mistulang parang nasa showroom ng isang department store lang si Lovi  sa dami ng damit na naka-hanger na kanyang pinagpipilian. Napansin  din  ng  netizen ang  outfit  ni  Lovi habang nag-eempake.

Isinama ni Lovi papunta ng Los Angeles ang kanyang pet dog na  si Senorito  at  super sosyal  ang doggie dahil  may Pet Passport  na nagsisilbing  nitong  Pet  Identity.

Nagtatanong tuloy kay Lovi ang mga pet owner kung paano makakakuha ng Pet Passport  para maisama rin nila ang kanilang pet sa kanilang travel.

Samantala, bukod kay Sunshine Dizon ay definite na rin umano ang paglipat  ni Lovi sa Kapamilya Network.

Ayon sa nakarating sa amin ay hindi na nagkaroon ng renewal of contract  si  Lovi  at  okey naman daw sa actress.

If  ever na walang magiging problema ay unang project  ni Lovi ay ang Pinoy adaptation ng Doctor Foster.

Isang sikat  na British drama series  ang Doctor Foster na unang inilabas  sa  ABS-CBN.

Ang Pinoy remake ng nasabing British drama series, ang una para sa isang scripted British series pagkatapos pumatok sa iba`t ibang  bansa. Istorya ito ng pagtataksil  at  paghihiganti.

Ikaanim ang Pilipinas sa bansang gagawa ng sariling version ng Doctor Foster pagkatapos ng South Korea, India, Russia, Turkey at France.

Bukod kay Lovi ay bibida rin daw sa nasabing British drama series si  Jodi Sta Maria.