Kaya sumikat at pumatok ang movie themesongs at kanta sa album… Marion may sariling style sa pagkanta, patutunayang kaya ring umarte
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
KAPAG pinakinggan mo ang mga kanta ni Marion Aunor sa kanyang mga album at mga inawit na movie themesongs sa Viva Films like Akala, Delikado, at Mahal Kita Ngayon at latest themesong ng hugot movie na “Parang Kayo, Pero Hindi” starring Xian Lim, Kylie Versoza, and Marco Gumabao na isa sa malakas na palabas sa VivaMax ay mawi-witness mo na may sariling style o identity ang Viva singer-actress.
Yes, ‘yung voice ni Marion ay hindi lang classy kundi pwedeng ikumpara sa mga kilalang female foreign artists. Napaka-pleasant pakinggan ang sound ni Marion na maki-carried away ang music lovers. At ngayong sikat na bilang singer ay patutunayan naman ni Marion na may kakayahan din siya sa pag-arte via “Revirginized” na comeback movie nga ni Sharon Cuneta after 17 long years na hindi gumawa ng pelikula sa Viva. May mga eksena si Marion with Sharon, Marco Gumabao (leading man ni Sharon sa movie) and other Viva girls na co-stars nila sa movie na directed by Darryl Yap.
Isang highly anticipated musical movie naman ang pinagbibidahan nina Marion at Gerald Santos na “TOGS.” This movie is about hardships, heartaches, and struggle of musicians.
Sa trailer pa lang ipinakita na ni Marion na kaya niyang makipagsabayan sa husay ni Gerald na bihasa na pagdating sa acting at naging international stage actor pa sa London. Si Njel de Mesa ang director ng Togs.
Natural umarte at born actress ang nasabing daughter ni Ma’am Maribel Aunor. And for her (Marion) ay best birthday gift niya this year ang pagkakasama niya sa movie ni Sharon kaya’t labis ang pasasalamat ng magandang actress kay Boss Vic Del Rosario.
Malapit nang ipalabas ang Revirginized sa VivaMax.
***
Singer-Songwriter Ashley Aunor, Vlogger Na Rin Sa Sariling YT Channel At Havey Ang Content
Kung sineryoso lang noon ni Ashley Aunor a.k.a Cool Cat Ash ang pagba-vlog ay siguro malaki naang bilang ng kanyang subscribers.
Pero dahil naging busy sa mga TV guestings and digital shows guestings para mag-promote ng kanyang mga kanta like “Mataba” and her latest single na “LOKO!” ay hindi na nagkaroon ng time si Ashley na makagawa ng Vlog.
Naging abala rin ito sa recording ng band cover songs at pagko-compose ng mga kanta, mixing, at video production and mastering sa The Aunorables Productions nila ng singer-actress sister na si Marion Aunor at ng kanilang Mommy na si Maribel Aunor.
Pero aminado si Ashley na nae-enjoy niya ang pagiging vlogger na sinimulan niya last year at nag-start siya uli nitong January 2021. Bihira nga lang daw siyang mag-upload ng kanyang videos pero baka this year ay magse-seryoso na rin siya at isa sa content na kanyang naisip ay Fitness Vlogging na in all fairness ay bagay naman lalo’t sa latest photos ni Ashley ay kitang-kita na nabawasan na siya ng timbang.
Proud naman si Ma’am Maribel sa youngest daughter na marami na ring supporters sa social media. By the way, mapapanood niyo ang Vlog ni Ashley sa kanyang official Youtube channel na Cool Cat Ash at Facebook.
Kanya rin itong i-aupload sa kanyang Tiktok at Instagram account. Marami ang ganitong content dahil marami sa mga kakabaihan ang gustong maging seksi sila.