Advertisers

Advertisers

Sen. Bong nagbabalik sa teleserye matapos ang 5 years; Karylle, tigil-Showtime muna dahil sa pagbubuntis?!

0 468

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HALOS limang taon na rin naman ang nakalipas nang huling napanood ng kanyang  followers si Sen. Bong Revilla, Jr.

At ngayon nga, muling nagbabalik si Sen. Bong via his latest serye sa Kapuso Network, ang punung-puno ng aksyon na “Agimat ng Agila” that will start airing on May 1 at 7:15 PM. Aminado si Bong na sadyang nanibago siya nang sumabak ulit sa tapings lalo na sa mga maaksyong eksena kaya balik praktis siya sa mga stunt na gagawin  lalo pa nga’t ayaw niyang dayain ang mga supporter niya sa ng paggamit ng ‘double’.



“Physically, I trained for three hours each day. I did weights, running, cardio exercises plus muay thai, boxing and mixed martial arts, pati sa paggamit ng iba’t ibang weapons, kasi matagal din akong nabakante sa paggawa ng action scenes. Ayoko namang ma-disappoint ang viewers kaya ako mismo ang gumawa ng lahat ng stunts ko. Ayokong masabing kinalawang na ako. Sa lahat ng action scenes, ako yun mismo, what you see is what you get. Walang daya, walang double,” saad ni Sen. Bong.

Labis din ang pasasalamat ni Sen. Bong sa kanyang home studio, ang Kapuso Network dahil sa tiwalang binigay sa kanya at ang nagpataba ng kanyang puso ay ang proyektong “Agimat Ng Agila” dahil sa ginastusan talaga ito nang husto at hindi tinipid. Bukod pa sa high tech na state of the art special effects na malaki rin ang gastos.

***

PAGKATAPOS nga ng birthday presentation ni Ana Karylle Padilla Tatlonghari o Karylle sa kanyang followers sa noontime show na “It’s Showtime”, nawala na ang presensiya ng singer sa naturang noontime show.

Tila nagkukumpirmang pagbubuntis ang dahilan kung bakit kinakailangan na ni Karylle na mag rest nang husto para sa dinadalang sanggol sa sinapupunan.



At the age of 40 and after 7 years of marriage sa mister na si Yael Yuzon ay nagdalangtao na rin si Karylle. Sa pangyayaring ito ay pinatunayan lang ng mag-asawa na walang baog sa kanilang dalawa at habol si Karylle sa pagbubuntis sa edad na 40.

Kaya marami ang nagpayo kay Karylle na iwasan munang ma-stress habang nagdadalangtao. At isa nga sa nakitang way ng mag-asawa na pansamantalang hinto muna sa showbiz si Karylle at itutok ang panahon sa pagbubuntis ng first baby.

Matagal na inasam nina Karylle at Yael ang magkaroon ng anak na bubuo sa kanilang pamilya kaya andun ang agam-agam sa panig ng kasamahan ni Karylle sa “Its Showtime” na si Vice Ganda na nagsabi kay Karylle na ‘wag mo kaming iiwan’ (referring to being one of the show’s regular hosts).

Ang tanong, babalik din kaya agad si Karylle sa pagho-host after magsilang o habang nagdadalang-tao?