Advertisers

Advertisers

Mayweather, Pacquiao, Fury: pinakamayamang boksingero sa mundo

0 197

Advertisers

PANGATLO si Senador Manny Pacquiao sa sampung pinakamayayamang boksingero sa mundo.
Sa 2021 list ng mga pinakamayayamang boksingero sa mundo, nanguna sa listahan si Floyd Mayweather, walang talo sa 50 fights. Isa kanyang panalo ay galing kay Pacquiao.
Maging sa social media ay ipinagmamayabang ni Mayweather ang kanyang mga kayamanan. Hindi lang niya sinasabi ang halaga nito. Pero base sa kanyang mga naging laban, nagtala siya ng pinakamalalaking premyo at sales.
Sumunod sa kanya si George Foreman na tatlong dekada nakipagbasagan ng mukha sa ibabaw ng ring bago nagretiro. Dalawang beses siyang naging heavyweight champion at naging matagumpay na negosyante na mayroong $300 million sa bangko.
Si Pacquiao, katulad ng dating heavyweight champion na si Vitali Klitschko, ay pumasok rin sa mundo ng politika. Siya palang ang tanging boksingero na nagkampeon sa walong weight division mula flyweight hanggang welterweight. Ang kanyang net worth ay nasa $220 million.
Sumunod kay Pacquiao ang isa sa mga tinalo niyang tinaguriang “Golden Boy” na si Oscar De La Hoya, na nakapag-ipon ng kanyang kayamanan sa pagboboksing at pagiging promoter. Mayroon siyang $200 million net worth.
Pang-limang richest boxer ang heavyweight na si Lenox Lewis, ang tinaguriang “The Lion” sa ibabaw ng ring. Sa kanyang 14 years sa boxing, siya’y nagkaroon ng $140 million fortune.
Nasa ika-anim na puwesto si Sugar Ray Leonard na dalawang dekada sa pagboboksing. Nagkampeon siya sa middleweight, light middleweight, super middleweight at heavyweight divisions. May kayamanan siyang hindi bababa sa $100 million.
Nasa likuran ni Leonard si Vitali Klitschko, isa sa may pinakatibay na panga at nagpahirap kay Lewis sa kanilang laban. Siya ang pangatlo sa pinakamatagal naging heavyweight champion sa history ng sports bago pumasok sa politika. Mayroon siyang net worth na $80 million.
Nasa 9th place si Anthony Joshua. Ang 2012 Olympic gold medalist na ito ay may kayamanang $60 million ngayon.
Sumunod si Tyson Fury, ang tinaguriang “The Gypsy King” na kasalukuyang kampeon ng WBC heavyweight division. Makaraang dumaan sa maraming problema at kontrobersiya, nakabalik siya sa ring noong 2018. Siya palang ang nakapagpabagsak kay Deontay Wilder at kumamal ng $26 million sa kanilang 2020 rematch. Kasalukuyan siyang may net worth na $30 million.
At ang pang-10 ay si Anthony Mundine, ang rugby league player na naging boxer at kasalukuyang kampeon ng WBA super-middleweight sa loob na ng 5 years, mula 2003 – 2008.Mayroon siyang $30million fortune.