Advertisers

Advertisers

Ralph ‘di nape-pressure sundan ang yapak ni Alden

0 343

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA simula pa lang ng kompetisyon sa Miss Universe 2020 ay isa na si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa mga early favorites ng marami; online man o doon mismo sa Florida sa Amerika na gaganapin ang prestihiyosong beauty pageant.

Pinag-uusapan at hinahangaan ang ganda ni Rabiya, pati na rin kung paano niya dalhin ang kanyang mga isinusuot na damit at gowns, hanggang sa kanyang beauty queen walk at pati pananalita sa mga interbyu.



Pero nakatutulong ba ito kay Rabiya para mas lalong maging confident?

O nakakadagdag ito para mas lalo siyang nerbiyusin at ma-pressure habang papalapit na ang pageant?

“There’s a pressure added to being a crowd favorite,” pag-amin ni Rabiya. “But you know how competitive I am as a person and this pressure doesn’t like make me complacent in the position that I am in right now.

“I need to work double, even triple my effort  to really do good and in the past few days I realize that it’s different when you’re a Filipino candidate, there’s all-out support from all the Filipinos all over the globe and now it’s all about destiny.

“That’s why I’m really praying hard that the stars will be aligned  for me again on May 16, but I’m happy, it’s a happy good pressure.”



Isa si Rabiya sa 74 candidates ng Miss Universe 2020 pageant na ang grand coronation night ay mapapanood ng live sa A2Z Channel 11 (ng ABS-CBN) 8:00-11:00 am  mula sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA.

May replay sa araw ding iyon, 10:30 pm sa A2Z.

Mapapanood din ang replays ng Miss Universe sa cable via Kapamilya Channel at online via iWantTFC sa Mayo 23, Linggo, 9:45 pm.

May replays din ang Miss Universe sa Metro Channel sa Mayo 24 (12:00 nn at 10:00 pm), Mayo 26 (5:00 p.m.), at Mayo 29 (8:30 am).

Samantala, bukod kay Jonas ay nasa Florida rin si Olivia Quido-Co; sa pangalawang pagkakataon ay ang O Skincare And Spa ng Pinay businesswoman at beauty guru na si Olivia (kilala rin bilang Miss O)  ang official skincare sponsor ng Miss Universe Organization para sa pageant.

Unang nakipag-partner si Miss O sa Miss Universe  noong 2019, kung saan si Miss South Africa Zozibini Tunzi ang nagwaging Miss Universe.

***

TAGA-Laguna ang Kapuso heartthrob na si Ralph Noriega; at bukod kay Ralph, taga-Laguna rin ang mga Kapusong tulad nina Mark Herras, Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Juancho Trivino at Alden Richards.

Ayon kay Ralph ay wala siyang nadaramang pressure na ang mga ito ang susundan niya ang mga yapak, so to speak, lalo na si Alden na sikat na sikat ngayon.

“Wala naman po, sa part ko po wala namang pressure kasi po naniniwala po ako na darating po yung time ko, at pag dumating po yung time ko, kumbaga dun po ako mas aano sa work ko ngayon.

“Hindi po ako nape-pressure dahil naniniwala ako na darating yung time ko, ang main priority ko lang po ngayon is paghusayan yung trabaho ko.

“Iyon po yung goal ko ngayon. Kasi naniniwala na naman po ako darating po yung ano… yung kasikatan nandiyan lang po yan, yung fame. Pero ang pinakamahalaga po is yung work, sa akin.”

Masuwerte si Ralph dahil noong halos nagsisimula pa lamang siya sa showbiz ay nakatrabaho na niya ang dalawang reyna ng GMA; ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Poor Señorita; at ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera sa Super Ma’am.

At kahit ilang taon na ang nakalilipas mula nang nakatrabaho niya sina Regine (2016) at Marian (2017), sariwa pa rin sa isip ni Ralph ang saya na makatrabaho ang dalawang reyna.

Pagbabalik-tanaw pa ni Ralph tungkol sa misis ni Dingdong Dantes…

“Si Ate Yan po, nung unang kaeksena ko po siya, kinakabahan po ako!

“Kasi siyempre Marian Rivera po; pinapanood ko lang po siya dati sa Darna, sa Dyesebel tsaka sa Mari Mar.

“Na-pressure po ako dahil first time e, kumbaga una. Pero natural lang naman po iyon sa isang bagong artista na kapag unang eksena sa sikat parang mahihiya ka pa po, na parang mako-conscious ka sa sarili mo.

“Pero nung unang eksena namin, ginuide po ako agad ni ate Marian sa eksena namin kasi medyo nahihiya-hiya pa po ako ng konti, nagba-buckle  po ako, kinakabahan ako.

“Ginuide niya ako sa eksena namin, sabi niya, ‘Slowly’, parang slowly lang yung dayalog kasi mas nakakatulong siya sa eksena, mas naiintindihan ng tao.

“So gina-guide niya ako sa bawat eksena namin, may guidance niya.

“Kasi  kaeksena namin siya parati, siya yung teacher namin sa Super Ma’am, estudyante niya kami.

“Na masasama ang ugali namin,” at tumawa si Ralph. “So siya yung taong puwedeng magpatino sa amin, si Super Ma’am.”

Kanino siya mas kinabahan na kaeksena noon; kay Regine o kay Marian?

“Actually parehas  lang po. Sa totoo lang. Kasi si Miss Regine naman po, iba po siya e, kumbaga music siya, kumbaga nakilala ko po siya sa pagkanta niya.

“Pero pare-parehas po ang kaba factor sa akin kasi baguhang artista po ako that time, tapos Asia’s Songbird po tsaka Primetime Queen ang nakasama ko.

”Kaya sobrang blessed ko po,”  bulalas pa ni Ralph.