Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MARAMI ang nakapapansin na gusto nang maging tatay ni Alden Richards. Mahilig at madalas na kinagigiliwan niyang kargahin ang mga bata na nakikita o nakakasalamuha. Kutunayan, si Baby Baste nga ang isa sa kanyang mga tropa.
Madalas nahuhuli o nakikita si Alden na kapag nasa labas at kapag nakakita ng bata (noong panahong wala pang pandemic at puwede pang lumabas ang mga bata) ay kaagad lalapitan at kakausapin na aakalain mo na kanyang anak.
Lumalabas nga sa Twitter ngayon ang maraming video na may karga-kargang bata si Alden na hinehele at kinakausap pa ang baby.
Sabi tuloy ng mga fan na gusto na ni Alden na maging tatay. Pero ang malaking tanong ay kung kailan at kanino? Sa ngayon kasi ay wala pang syota si Alden kaya paano naman mangyayari yon?
***
INAMIN ni Janella Salvador na nawala ang kanyang confidence matapos manganak at maging isang ina.
“ I wouldn`t say I got fully depressed but there are many times until now that I have to remind myself that, `Hey you gave birth to a human. That`s pretty hard. Because after giving birth, I really lost confidence in myself, a lot of confidence,” say ni Janella sa interview sa kanya ng Metro style.
Ipinagtapat din ni Janella na kapag tumitingin siya sa salamin ay hindi na niya nakikita ang dating sarili.
Hindi na raw niya matandaan kung kailan siya nakatulog nang mahimbing dahil parati siyang puyat sa pag-aalaga ng kanilang baby ni Markus Paterson na si Jude.
Wala naman daw problema ito kay Janella at nagpapasalamat siya sa kanyang partner dahil tulong sila sa pag-aaruga kay baby Jude. Si Markus daw ang nagpapatulog sa gabi at siya naman ang gumigising tuwing madaling araw.
Ayon kay Janella, plano niya kapag nagkaroon ng oras ay bibisita siya sa derma clinic for her `me time.`
Wala naman pinagsisihan si Janella dahil napakasarap daw magkaroon ng baby at mapagmahal na live-in partner.
***
PINALABAS na mukhang pera ni Alessandra de Rossi ang ina nang regaluhan niya ito noong Mother`s Day ng bouquest of flowers na nakatali sa mga bulaklak ang maraming pera.
Nakaposte sa Instagram ni Alessandra ang video ng kapatid na babae habang bumababa ito sa hagdanan para puntahan ang kanilang nanay na nasa kuwarto.
Humalakhak ng tawa ang kanilang nanay nang makita ang bouguet of flowers.
“ In the end @ermatsko`s possessed laughter is all we need! Lagi kasing tinatanong kung ano ang gusto, perahin na lang daw, noted! ”
Pinasalamatan ni Alex ang kapatid sa paghahatid ng kanyang regalo.
Kinontra ni Alex ang kapatid at sinabing hindi totoong mukhang pera ang kanilang nanay dahil hindi nga nito napansin kaagad ang mga pera sa bulaklak.
Katunayan nakita lang ng kanilang nanay ang pera nang ituro nila ito sa ina. Sabi ganoon daw talaga magbiruan at magkulitan sina Alex at kanilang nanay.
Sa halip na magtampo ay tawa nang tawa na lang ang kanilang nanay na gustong pinagti-tripan ng kanyang mga anak.