Advertisers

Advertisers

Assunta matatagalan ang pagbabalik – showbiz

0 579

Advertisers

HINDI biro para sa mga stage performerrs ang paglaganap ng pandemya sa buong mundo. Halos mahigit isang taon na rin naman mahigpit na pinagbabawal ang mga stage shows o concerts maging mga theatrical musical ay hindi allowed. Isa sa mga sikat nating artista na si Vice Ganda ay aminadong ‘gutom na gutom’ na siyang magkaroon muli ng concert at nami-miss na niiya ng husto ang mga live audiences sa kanyang mga performances.

At dahil uso naman ngayon ang mga virtual concert ay pasok na rin sa uso ang byuti ni Vice Ganda. Ngayon darating na July 17 & 18 ay gagawin ang first ever virtual concert ni Vice Ganda na may pamagat na “Gandemic: The VG-tal Concert”.

Dapat sana, May 1 itong concert, but since pabago-bago nga ang rules dahil sa ECQ, hindi kami makabuo ng show. Yung May naging June at ngayon, naging July na nga, so sana naman matuloy na yun,” ani Vice.



Maging ang mga original line ups of guest ni Vice sa kanyang first virtual concert ay nagbago dahil na rin sa availability ng mga guests.

“Actually, may line up na sana ako. I want Ice Seguerra  LGBT number na masaya. At magagaling talaga silang kumanta, e. Tapos si Moira, may song kami na kami ang gumawa. Silang magbibigay ng magandang musical numbers. Then si Anne Curtis is, gaya ko, song and comedy rin. Kaso nga, hindi natuloy ang original schedule namin for May, so ngayon, hindi lahat, available na sa bagong date. Kaya hindi pa ako sure about my guests,” dagdag na say ni Vice Ganda.

💚💚💚💚💚💚💚💚

PARA sa mga followers ni Assunta de Rossi, malamang o sa hindi ay matatagalan pa ang kanyang pagbabalik showbiz. At siempre dahil may bagong role na siyang ginagampanan sa tunay na buhay. Ang maging isang ina. Kung matatandaan ay inabot halos ng 18 years ang pagsasama nila ng mister na si Jules Ledesma bago mabiyayaan ng isang anak. Kung kaya bilang isang ina ay buhos lahat ng oras niya sa pag-aaruga sa anak. Tsika nga ni Assunta sa kanyang social media account, bale wala raw lahat ng pagod at puyat niya na ginawa noong aktibo pa siya sa showbiz kumpara ngayon na isa na siyang first time mom.

“Twenty-five years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood. I’m awake 14-15 hours during the day, and the rest I wake up every 1-3 hours for feeding or resettling. Very exhausting, but I’ll get through this. Baby is healthy and happy, and that’s all that matters” say ni Assunta.



Hindi rin nawala ang suporta ng kapwa niya mommy na kasamahan sa industriya at nagkomento sa post ni Assunta.

“Oh yes, I remember how exhaustion brought me to tears! Hang in there,” komento ng ina ring si Dawn Zulueta.