Advertisers

Advertisers

Alex Gonzaga, waldas sa pera noon; now lang natutong magtipid ng mag asawa

0 279

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MALAKING impluwensiya nga kay Alex Gonzaga ang asawang si Mikee Morada kung pagtitipid lang ang pag uusapan.

Noon nga raw di pa kumikita si Alex ay talagang pinaglumahan ng kanyang Ate Toni Gonzaga ang binibigay sa kanya.



Kaya naman ng kumikita na ito ay talagang todo waldas at gastos talaga si Alex at inamin sa panayam ni Kuya Boy Abunda.

Natuto na lang daw ng pagtitipid si Alex ng mag-asawa na ng dahil sa mister na si Mikee.

Pag namamalengke nga si Alex ay lagi lang pinabibili ng dyowa ay mask yun lang at wala na.

Kahit nga sa pagbili ng kahit na anong gamit kahit nung magdyowa pa lang sila hanggang mag-asawa na ay talaga nga raw super tingin ang mister sa SRP.

At pinag iisipan naman ng mister ng 3,000 times kung dapat bang bilhin ang bagay na ‘yun.



Dagdag kuwento pa ni Alex na kahit nung nakasabay nila sa Tate ang bf pa dati na si Mikee.

Nagpasama sa bilihan ng laptop abay di pa din nag buy ang mister ni Alex at look pa din sa price.

Nagwe-wait pa yata ito sa bagsak presyo ng items at ganun daw ang mister ni Alex na di basta-basta bili lang ng bili.

Pagmamalaki pa ni Alex ay yun daw ang naturunan nito sa asawa ang pagiging matipid sa paggastos.

Lalo pa nga raw di pa tapos ang pandemya sa ating bansa.

Yassi, kakaibang trip ang bertdey celebration

ITONG nakaraan lang na May 11 taon kasalukuyan nag 26th birthday na si Yassi Pressman nagdiwang naman ito ng kanyang birthday at  nagtungo pa ito sa isang animal shelter sa Bulacan para doon magdiwang.

Doon nga sa Pawssion nag-selebreyt ng kanyang kaarawan itong dating leading pady ni Coco Martin na si Yassi.

Kilala naman si Yassi na pet lover kaya naman hindi na nagtaka pa ang kanyang followers kung ang ka-party nito ay mga aso at pusa.

Naawa naman daw ang aktres sa mga aso at pusa na napabayaan na lang at walang nag-aalaga.

Kaya thankful naman ang Kapamilya actress na may isang Pawssion na animal shelter sa San Jose Del Monte Bulacan na nangangalaga ng mga hayop na napabayaan na lang.

Masaya naman sa post pics ni Yassi sa kanyang IG habang nakikipaglaro ito sa mga aso at pusa na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar.

Nag donate naman si Yassi ng dog food, vitamins at bath items sa 200 aso at 100 pusa.

Kahit nga mga kahayupan ang mga ka-party party ni Yassi nag-enjoy naman ito ng bonggang bongga na kita sa kanyang post sa kanyang socmed.

Kasama naman niya ang kanyang kapatid na si Issa na naki-selebreyt din sa kanyang bertdey kasama ang mga aso at mga pusa.

Well, well, well…

‘Yun na!