Advertisers

Advertisers

Rabiya maluwag na tinanggap ang pagkatalo sa Miss U 2020

0 197

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MARAMI ang nagro-root para kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na manalo sa ginanap na 69th Miss Universe pageant na ginanap sa Florida sa Estados Unidos.

Katunayan ang nasabing Ilongga beauty ang isa sa  pinakaraming followers pagdating sa social media kaya marami ang nag-e-expect na magiging bukambibig ang kanyang pangalan.



Pero, sinamang-palad na hindi nakapasok si Rabiya sa top 10 ng nasabing kumpetisyon.

Naging malaking isyu rin ang sinuot niyang national costume na umani ng batikos sa iba’t ibang netizens.

Pagkatapos naman ng kanyang pagkatalo, nagpasalamat si Rabiya sa mga Pinoy at lahat ng beaucon aficionados na sumuporta sa kanya.

“I made a lot of sacrifices people can’t sometimes see. Early calltime. Late night rest. Trying to be sane and motivated. It was a challenge but it made me so much stronger everyday. Salamat mga kababayan! Mahal ko kayo! I also wanna say thank you to my creative director @jonasempire.ph. I know how much you’ve sacrificed for me. I love you Mama J!,” aniya.

“It was such a beautiful moment to represent you, Philippines. I am forever honored to be part of the legacy, of our history. In my heart, I did everything I can. I trained really hard to be physically fit. I would have sleepless nights trying to read articles to be updated,” dugtong niya.



Habang nasa training at pageant, aminado ang Ilongga beauty queen na sumusunod siya sa strict routine at diet regimen.

Kaya naman ang hindi niya maiuwi ang ikalimang korona sa Ms. Universe, malugod naman niyang tinanggap ang kanyang pagkatalo.

Idinaan niya ito sa pagkain ng kanyang paboritong samyupsal na ipinost niya sa kanyang IG account.

Ipinakita rin niya ang kanyang pagiging sport sa isang larawan na kasama niya ang beauty queen maker na  si Jonas Gaffud at crew na kasama niya sa kanyang journey.

“With Lotlot and friends,” caption niya sa kanyang post.

Meaning, malugod sa kanyang puso  at di siya cry a river sa kanyang  pagkatalo sa naturang pangdaigdigang kumpetisyon sa mga kababaihan.