Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA ginagawa naman mga pagtulong ni Angel Locsin nabahiran agad ito ng kulay na baka tumakbo ito sa 2022.
Pero sa post ng aktres ay pinabulaanan nito na tatakbo siya sa kahit na anong posisyon sa darating na halalan
Ang ginagawa nga raw niyang pagtulong sa mga sambayanan Pinoy ay bukal sa kanyang kalooban at walang bahid na siya ay makikilahok sa politics.
At kahit naman daw walang titulo sa ulo ay pupuwedeng tumulong na siyang ginagawa ni Angel na kahit di na siya maging politiko.
Sa darating na 2022 ay kailangan naman daw na makapili ng deserved na lider para maglingkod sa mga Pinoy.
Kaya nanawagan ito sa ating kababayan na magparehistro at bomoto.
Bago nga raw mag September 30, 2021 ay nakapagpatala na nga raw ang lahat para sa karapatan bomoto para makapili ng karapat-dapat na lider ng ating bansa.
Yan daw ang karapatan natin Pinoy ang bomoto na hindi kailangan magpadikta kung sino ang gustong iboto dahil karapatan nga raw ng bawa’t Pinoy na siyang pipili ng bagong lider ng ating bansa sa 2022.
Kung ang TV Host Actress ang tatanungin ay okey na sa kanya ang pagiging artista na tumutulong kahit hindi maging politiko.
Dingdong Dantes, kahit nangatog ang tuhod at kinabahan tinuloy pa din ang pagpapabakuna
.
HINDI naman itinaggi ng Kapuso Actor Dingdong Dantes na siya ay kinabahan at nangatog ang tuhod ng sumalang ito sa pagpapabakuna.
At sino ba naman daw ang di nenerbiyusin sa haba ng karayom na ituturok sayo.
Kaya nga minsan ang mga nagpapa-injection ay nakatagilid at ayaw tignan ang injection.
Kaya kahit nga nangatog at grabeng kaba at neebiyos ang inabot ng mister ni Marian Rivera.
Nagpaturok pa din ito ng bakuna laban sa killer virus na Covid
Kailangan nga raw ituloy para na rin sa proteksyon ng kahit na sinong sasalang sa bakuna.
Napangiti na lang si Dingdong ng mahugot na ang mahabang karayom na bumaon.
Masaya si Dingdong kahit kinabahan nung una pero after vaccine ay safe at protektado na daw nga ito sa Covid
Sa dami nga raw ng mga artistang nagpabakuna na ay asahan na nga raw na mas lolobo pa ang datos ng gustong magpabakuna.
Well, well, well…
‘Yun na!