Advertisers

Advertisers

Hiring ng 200 kawani para sa Manila COVID-19 Hospital nagsimula na – Isko

0 220

Advertisers

NAGSIMULA na ang pagtanggap ng kabisera ng bansa nang may 200 na bagong kawani para sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta Park na pormal na bubuksan sa June 24, kasabay sa paggunita ng ika-450 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Maynila.

Nitong Miyerkules, June 16, ay nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang appointment papers ng may 127 kawani na binubuo ng 20 doctors, 53 nurses, walong medical technologists, walong radiologic technicians, 10 admin personnel, walong IT personnel at 20 job order personnel o JOs. Naroon din sa ginawang pagpirma ng alkalde ang mga bagong tanggap na mga kawani, Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, city personnel chief Jo Quintos at Dr. Arlyn Dominguez, na siyang magsisilbing direktor ng ikapitong ospital ng lungsod.

Sa kanyang pagharap sa mga bagong tanggap na mga kawani nang magbubukas pa lamang na COVID hospital, sinabi ni Moreno na ihanda ang kanilang sarili sa isang mapanganib na kapaligiran dahil ang ospital ay tatanggap lamang ng mga pasyenteng may mild hanggang moderate na kaso ng coronavirus at isapuso ang kanilang trabaho.



Ang nasabing pagamutan na may 344 COVID bed capacity ay natapos sa record time na 52-araw, walong araw na mas maaga sa itinakda mismo ni Moreno na dalawang buwang deadline. Ang may 300 ng mga manggagawa na pinamumunuan ni city engineer Armand Andres, city architect Pepito Balmoris at city electrician Randy Sadac ay trinabaho ang ospital nang 24/7 sa utos na rin ng alkalde.

Bago nilagdaan ni Moreno ang mga appointment papers ng mga aplikante, hinarap muna niya ito ay binilinan na tanggapin ang lahat ng pasyenteng pupunta sa ospital at huwag tatanggihan kahit hindi ito mga taga-Maynila.

“Wag kayo mabibigla kung makabalita kayo ng patient na hindi taga- Manila dahil since Day 1, ang bilin ko sa mga ospital natin ay yakapin ang lahat ng puwedeng yakapin, iligtas ang lahat ng puwedeng iligtas at tulungan ang lahat ng puwedeng tulungan,” ayon sa alkalde.

“Hindi naman pwede na lawayan natin ang Welcome Rotunda at hanggang dun lang sila hindi makakapasok. As I have been saying, the pandemic is a universal problem which should be addressed inclusively. Naglalabas-masok sila sa Maynila, so either they infect us or we infect them,” dagdag pa ni Moreno.

Sinabi pa ng alkalde na dapat ipagmalaki ng mga kawani ng ospital na dinarayo sila kahit hindi taga-Maynila dahil nagpapatunay lamang ito na malaki ang tiwala ng mga pasyenteng ito sa kanilang kakayahan.



Habang ang iba ay kailangang magtrabaho para mabuhay, sinabi ni Moreno sa mga bagong tanggap na mga kawani na itanim sa kanilang mga puso na ang pinakamasarap na bahagi ng pagiging serbisyo publiko ay kapag narinig na ang katagang ‘salamat po’ dahil batid mo na nakatulong ka at ito ay isang oportunidad na hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon at nadarama.

“Ang pakiusap ko lang sa inyo, huwag ninyo sisimangutan ang pasyente. Ang taong me sakit, hindi mauunawaan kahit anong paliwanag. Ang mangingibabaw, ‘yung nararamdaman niya. Ang pasyente, kahit makulit, matigas ang ulo, wala sa katwiran, pag nginitian ng doktor nurse or other workers, lalambot din ‘yun. Just smile. It’s a universal expression that gives good vibes” giit ni Moreno. (ANDI GARCIA)