Advertisers
Ni BKC
SASABAK na sa kanilang unang teleserye bilang magka-loveteam sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi para sa upcoming GMA series na ‘I Left My Heart in Sorsogon’ na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.
Kabilang sina Kyline at Mavy sa cast na dumalo sa storycon ng programaExcited na ang dalawa sa kanilang pagtatambalan na serye at sa mga makakatrabaho nila sa magiging lock in taping sa Sorsogon.
Samantala, matunog ngayon sa social media ang usaping nagkakamabutihan na sina Mavy at Kyline.
Sa Instagram story ni Mavy nitong Lunes ay may binahagi siyang eksena mula sa bagong music video ni Darren Espanto na makikitang nakangiti si Kyline at may caption na “Tama na. Akin na muna siya.”
Mas umingay pa ang usap-usapan nang i-post ni Mavy ang larawan ng isang mystery girl na nakangiti at labas ang dimples, “her. her smile. her dimples. yup, that’s the post.”
Dahil sa post ng binata, bumuhos ang panunukso mula sa kanyang fellow celebrities tulad nina Rayver Cruz, Rita Daniela, Andre Paras, Juancho Trivino, at pati na ang kapatid niyang si Cassy Legaspi.
Matatandaan na sa isang previous interview ay nabanggit ni Mavy na nais niyang makatrabaho si Kyline sa kanyang first teleserye.
***
Luke Conde bet makatrabaho sina Rhian Ramos at Klea Pineda
Ganap nang Kapuso si Luke Conde matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong nakaraang Miyerkules, June 16.
Kuwento ni Luke, dalawa sa mga pangarap niyang makatrabaho sa GMA ay ang mga aktres na sina Rhian Ramos at Klea Pineda, “Lagi kong sinasabi si Rhian Ramos pati si Klea Pineda. Sila kasi ‘yung nakikita ko na magaling sa acting and I think macha-challenge ako pag sila ‘yung magiging ka-eksena ko. Masarap sa pakiramdam na I’ll be able to give different kinds of energies while we are doing scenes dahil magaling na mga aktres sila.”
Kasalukuyang pinaghahandaan ni Luke ang magiging role sa upcoming mini-series na ‘Never Say Goodbye’ na makakasama niya si KleaAbangan ang iba pang mga detalye tungkol dito sa GMA-7.
***
Camille Prats at Iya Villania, balik-taping na para sa Mars Pa More!
MATAPOS ang isang taon na work from home setup, reunited na sa wakas ang Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Iya Villania para sa kanilang inihandang fresh and star-studded episodes ngayong linggo.
Makikita sa behind-the-scene photos na kuha mula sa kanilang recent taping ang bagong outdoor setup nina Camille at Iya na well-ventilated at close to nature ang dating.
Talaga namang espesyal ang brand-new episodes dahil makakasama nila sina LJ Reyes, Gabby Eigenmann, Rodjun Cruz, Kokoy De Santos, Elijah Canlas, Maureen Larrazabal, Ian Red, at TikTok star na si Aling Nena.
Makikisaya rin para sa pagdiriwang ng birthdays nina Camille at Iya sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Jericho Rosales, Sanya Lopez, at Alden Richards.
‘Wag magpahuli sa masayang chikahan at fun-filled activities na handog ng Mars Pa More ngayong linggo, 8:50AM, sa GMA-7 at GMA Life TV.