Advertisers

Advertisers

Clippers wagi vs Suns sa Game 3 ng West finals

0 174

Advertisers

KUMAYOD si Paul George ng 27 points at humatak ng 15 rebounds upang pamunuan ang opensiba ng Los Angeles Clippers sa 106- 92 wagi laban sa makulit na Phoenix Suns, kahapon sa Los Angeles.

si Reggie Jackson ng 23 points at Croatian center Ivica Zubac bumakas ng 15 points at 16 rebounds at ilista ang 2-1 laban sa Suns ng best-of-seven Western Conference finals na ang Game 4 ay nakatakda mamayang gabi sa Los Angeles.

Krusyal ang panalo ng Clippers dahil walang team sa NBA history na nagwagi sa best-of-seven series matapos mabigo sa unang three games.



Pero sa tatlong playoff series na nakapila, ang clippers ay nagwagi sa Game 3 matapos mabigo ang naunang dalawa.

“This team is tough. We’ll do whatever it takes,” wika ni George. “We trust one another. We’ve got each other’s backs.

“We’ve just got great resilience. The team does a great job making adjustments, counters — we just play hard.”

Ang Clippers ay nanatiling wala ang star player na si Kawhi Leonard, dahil sa sprained right knee, Habang si Devin Booker ay umiskor ng 15 points para sa Suns na may sout na protective mask dahil sa basag ang ilong.

Si George ay naglaro ng 43 minutes habang si Leonard ay nasa sidelined, kailangan niyang mag stepped upang buhatin ang Clippers.



“I’m going to make the extra plays. I’m going to give everything I have. I don’t care how many minutes I have to play. I’m just going to leave it all on the floor.”

Bahamas big man Deandre Ayton pinamunuan ang Phoenix sa kinamadang 18 points, habang si Chris Paul may 15 points at 12 assists para sa Suns.