Advertisers

Advertisers

Mag-e-expire na ang SAP 2; at bakuna ‘di ayuda dapat tutukan!

0 323

Advertisers

MAG-E-EXPIRE na ngayong buwan ang ‘Bayanihan 2’ (B2) o ‘Social Amelioration Program 2’ (SAP 2) pero marami pa ang hindi nakakatanggap ng cash aid gayung nabigyan na sila ng reference number sa remittance centers. Anyare, DSWD Sec. Rolando Bautista?

Sa SAP 2, ang bawat pamilya ay tatanggap ng P8,000 katulad din ng sa SAP 1 para sa mga taga-National Capital Region. Mas mababa sa mga probinsiya, P5,000 lang.

Ang B2 ay may pondong P660.5 billion.



Nagsimula mamahagi ng SAP 2 noong Mayo 2020, pagkatapos ng magulong SAP 1.

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, mayroon pang hindi nagagalaw na P173.31 billion sa B2. Ano kayang gagawin nila dito? Bakit ayaw pa itong ipamahagi sa mga ‘di pa nakakatanggap?

Marami sa taga-Metro Manila ang nabigyan ng reference number sa mga remittance center. Pero nang kubrahin nila ang pera ay walang laman, zero! Anyare?

Dapat siguro lahat ng nabigyan ng DSWD ng reference number na walang nakubra ay sabay-sabay magsadya sa tanggapan ni Sec. Bautista at pagpaliwanagin siya sa bagay na ito. Go!

***



Pinag-uusapan naman ngayon sa Kongreso na e-extend hanggang Disyembre ang pamamahagi ng SAP 2. Panga-lawang extention na ito kapag nangyari. Tsk tsk tsk… Napaka-lousy kasi ng DSWD ngayon, grabe! Parang ‘yung “Tatay” lang nila, daming ngawa, kulang sa gawa!

Tapos isinusulong naman ang Bayanihan 3, another SAP 3 ito. Wow!!!! Samantalang napakarami pa ang hindi nakatanggap ng SAP 1 at SAP 2. Ilang trilyong piso na ito? Pang-eleksyon na siguro ito? Puros korapsyon lang ang SAP. Tutukan nalang ang pagbabakuna. Mismo!

***

Itong daan-daang bilyong piso na natira sa SAP 2 at pondo dito sa SAP 3, bakit hindi nalang ito ibili ng mga bakuna kontra Covid-19 at nang matapos na ang pandem-ya ng China virus na ito at nang makapagtrabaho na ang lahat.

Ang P8,000 hanggang P16,000 na ayuda ay pang-isang kinsenas o isang buwan lang para sa isang pamilya. Pagkatapos nito, nganga na naman. Animal!

Samantala kung nabakunahan ang lahat, makaka-pagbukas na lahat ng negosyo, balik na lahat sa trabaho, wala nang mag-aabang ng tingi-tinging ayuda.

Oo! Kesa ayuda, bakuna ang ibigay nyo sa lahat ng mamamayan, mga bossing. Let’s do it!!!

***

Nabuhay ang pag-asa ng oposisyon sa pagyao ng dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino lll.

Nakita sa pagyao ng anak nina dati ring late Pres. Cory at murdered ex-Senator Ninoy Aquino na nandiyan parin pala ang “dilawan” tahimik lang, nagmamatyag.

Kaya nang bakbakan ng mga demonyong DDS ang pagyao ni Noynoy ay pinutakte ang mga ito ng mga ma-kabuluhang programa ng mga Aquino.

Nalaman nilang ang tinatamasang demokrasya ngayon ay Aquino ang nakipaglaban, ang nagtayo.

Sa mga ‘di nakakaintindi kung ano ang demokrasya, ito yung kalayaan ninyong magpahayag ng inyong damdamin sa madla, sa social media ngayon. Kung walang demokrasya, tiyak patay o kulong kayong lahat ng DDS na mga bastos sa social media. ‘Yun ‘yon!!!