Advertisers

Advertisers

Nang mamanhikan sa mom ni Ellen… “Ok but to return to exchange!”–Derek

0 331

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA Instagram, nakunan ng video sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na nagkukumahog sa paghahanap ng mga dokumento.

Naurot tuloy ang dalawa na naghahanda na ng mga dokumentong kakailanganin sa kanilang kasal.



Kamakailan naman naging viral ang panayam sa hunk actor tungkol sa update sa kasal nila ni Ellen.

Kahit pala parehong moderno at liberated,  masasabing tradisyunal din  ang mga pamilya nina Derek at Ellen.

Katunayan, mismong ang ina ng actor ang nag-push na mamanhikan si Derek sa mommy ni Ellen para hingin ang bendisyon nito sa kasal nila ng fiancee.

Kahit sabihin pang old-fashioned,  naniniwala kasi ang mom ni Derek na kailangang gawin ito ng anak bilang respeto sa kanyang future in-law.

Aminado rin si Derek na medyo na-stressed siya sa paghahanda sa kanilang kasal.



“I was so stressed! Sabi ni Mom, ‘my only wish is that we have to go to Cebu. We have to talk to the mom before you marry,’” kuwento ni Derek.

Gayunpaman, ipinaliwanag daw niya na hindi nila magagawa iyon dahil sa quarantine  restrictions.

“We cant go because of the quarantine. No they can’t, they can’t, my parents, I don’t want to risk my parents,” paliwanag ni Derek.

Mabuti na lang daw at natulungan sila ng teknolohiya kaya natuloy ang “pamanhikan” via zoom meeting.

“We organized a Zoom version of the ‘pamanhikan,’ because as my mom says, I have to do that,” bulalas niya.

Ibinahagi rin ni Derek ang kabilin-bilinan sa kanya ng mahal na ina  ni Ellen nang makausap ito.

“I spoke to the mom asking permission for her hand and she said okay but no return no exchange,” pagtatapos ni Derek.

Sey pa raw ng future in-law niya,  maituturing na number one fan na raw siya ng aktor.