Advertisers

Advertisers

Kris kinorek ang grammar ng basher

0 410

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

HINDI pa rin matigil ang pamba-bash kay Kris Aquino ng mga hinihinalang DDS.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng ilang lider na isantabi na ang kulay pulitika sa panahon ng pagluluksa sa pagkamatay ng dating Pangulong Benigno “Noynoy”Aquino III.



Sa kanyang Instagram, hindi nagpaawat ang isang basher na nagngangalang sharon_briz sa pagbatikos sa kanya.

Binanatan nitong ginagamit si Senador Bong Go para patahimikin umano si Mocha Uson.

Inakusahan pa nito ang mga magulang nitong sina Ninoy at Cory na dahilan kaya nasadlak sa kahirapan ang bansa.

“U ARE USING U EVIL MECHANISM TO BONG GO TO SILENT MOCHA RIGHT? ALAM NA NG MGA TAO ANG UGALI MO….STOP PLAYING INNOCENT AS IF YOU DON’T KNOW WHAT YOUR PARENTS DID KAYA NAG HIRAP ANG PILIPINAS!!! #stupidbrat,”hirit ng basher.

Sa halip naman na mapikon o magalit, iba ang naging approach ni Tetay sa nasabing basher.



Mas pinili na lang nitong punahin ang maling grammar ni @sharon_briz.

“Sweetheart, may I correct your first sentence – it really bothers me to be attacked with wrong grammar: You are using you evil machinations (not mechanism) with (not to) Bong to silence (not silent) Mocha, right? There you go. Now be proper, and thank me for correcting your deficiencies,” sey ni Kris.

Marami naman ang bumilib sa paraan ng pagbuwelta ng dating presidential sister sa kanilang detractor.

Nakakuha rin ng mga kakampi si Kris sa pambabatikos sa kanya ng naturang troll.

Matatandaang noong mamatay si Noynoy, inamin ni Kris na  matagal silang hindi nagkausap ng kapatid subalit naayos na raw ito ilang linggo bago pa pumanaw ang dating pangulo.

Nagpapasalamat din siya dahil napatawad na siya ng kapatid na itinuring siyang bunsong anak.